^

Pang Movies

Inamin ding may personal shopper...Sharon, may buwelta sa pagiging hipokrita sa pagbili ng belt sa Hermes!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Inamin ding may personal shopper...Sharon, may buwelta sa pagiging hipokrita sa pagbili ng belt sa Hermes!              
Sharon

Talk of the town pa rin hanggang ngayon ang hindi pagpapapasok kay Sharon Cuneta sa Hermes store habang nagsa-shopping siya sa South Korea.

Kung marami ang nagtanggol kay Megastar at maraming nagalit sa ginawa sa kanya ng staff ng nasabing sosyal na tindahan, mayroon din namang mga nang-bash sa kanya.

Isang netizen ang pumabor sa ginawa ng Hermes at tinawag pang hipokrita si Sharon.

“Great Job Hermes PROTOCOL (decipline) means a lot in South Korea. Dinadahilan Belt lang ang bilhin ngunit paglabas ... Alam na sus! Huwag tayong maging hypocrite,” komento ng isang basher.

Sinagot naman ito ni Sharon. Aniya, “Belt lang talaga ang balak ko kasi pumayat ako at gusto ko sukatin. ALL my Hermés stuff was bought for me by my personal shoppers. You cannot walk into any of their stores expecting to leave with a Birkin or a Kelly. Unless you have an SA friend which I do in Rodeo Drive who shows you stuff in the back. Judgmental na naman. Dami ko nga nabili sa LV tapos hypocrite? Haaayyyy mema lang.”

May nagtanong naman kung bakit hindi alam ni Sharon na by appointment ang Hermes at sinagot din ito ni Mega.

“Because actually, I rarely do my shopping myself. I have a shoppers, one of whom is based in Milan and they send me photos of whatever is new and after choosing, they do the shopping for me. And yes, as I explained in the P.S. in my caption, I know about the lines and appointments and all. Sometimes lang you are there na and take a chance like I did at LV so I was let in,” paliwanag ni Sharon.

Jessica Villarubin, nagbago na ang buhay

Inamin ng Kapuso singer na Jessica Villarubin na malaki ang nabago sa buhay niya simula nang sumali siya at maging grand champion sa The Clash Season 3 two years ago.

“Ang dami pong pagbabago na nangyari sa buhay ko na ‘di ko po ine-expect na ma-experience ko po lahat,” sey ni Jessica sa kanyang recent online mediacon para sa latest single niyang Ikaw Lang Ang Iibigin under GMA Music.

Isa nga sa hindi niya malilimutang experience ay ang pagdalo niya sa Expo 2020 Dubai na ginanap last March 30. Ito ang unang pagkakataon na nakapunta siya sa Dubai at ito rin ang first-ever performance niya abroad.

Of course, kung hindi raw siya siguro naging GMA artist ay hindi raw niya marahil mararanasan ito.

“Iba na talaga ‘yung buhay namin ngayon kumpara dati. Kasi right now, napo-provide ko po ‘yung mga kailangan ng parents ko, ‘yung family ko, nakakakain kami ng masasarap na pagkain.

“’Pag umuuwi ako sa Cebu, lahat ng mga pamangkin ko, natutulungan ko rin po sila sa mga pag-aaral nila,” proud na wika pa ng Cebuana singer.

Kaya naman sobra raw ang pasasalamat niya sa lahat ng blessings na ito na dumating sa buhay niya.

“Kahit two years pa lang ako, parang ang dami ko nang na-achieve sa buhay ko,” she said.

Samantala, sa bagong single ni Jessica na Ikaw Lang Ang Iibigin composed by Vehnee Saturno, masayang-masaya ang singer na makatrabaho ang nasabing batikang composer.

“Alam naman po natin na isa siya sa composer din na nilu-look forward ng mga artists at madami rin siyang napasikat na mga kanta,” she said.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with