^

Pang Movies

Sue, ayaw pang pakasal kay Javi

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sue, ayaw pang pakasal kay Javi
Javi at Sue

Wala pa sa immediate plans ng magkasintahang Sue Ramirez at Javi Benitez ang pag-settle down dahil pareho pa silang may pangarap sa kanilang respective careers.

At 26, marami pang pangarap si Sue pagdating sa kanyang gumagandang career bilang actress habang si Javi ay isa ring baguhan pagdating sa larangan ng pulitika na kanyang minana sa kanyang ama, ang dating politician at businessman na si Albee Benitez.

Kahit sa Victorias City, Negros Occidental naka-base ngayon si Javi, he makes it a point na regular ang kanilang communication ni Sue na nasa Maynila naman.

Sue had her most challenging role in the hit TV drama series na The Broken Marriage Vow, ang Philippine adaptation ng hit BBC TV series na Doctor Foster kung saan niya nakabituin sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Zaijian Jaranilla at iba pa.

Kasalukuyang ginagawa ni Sue ang Iron Heart na siyang comeback project ni Maja Salvador sa ABS-CBN. Tampok din sa nasabing serye sina Richard Gutierrez at Jake Cuenca.

Serena Dalrymple, ikinasal na sa Scottish-American na nakilala sa dating app

May asawa na ang dating Kapamilya child star, ang Fil-American na si Serena Dalrymple matapos itong ikasal sa kanyang Scottish-American husband na si Thomas Bredillet nung nakaraang linggo, Oct. 2, 2022 ng hapon sa isang outdoor garden wedding na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends in New Hampshire kung saan sila ngayon naka-base. Kasama sa wedding ang kanilang alagang aso na may nakapalibot na bulaklak sa kanyang leeg.

Ulila nang lubos sa mga magulang si Serena at dalawa pa niyang mga kapatid na sina Sarah at Samantha Dalrymple na sa Amerika na rin naka-base.

They were still kids nang magkasunod na yumao ang kanilang parents at naging guardian nila ang kanilang maternal uncle na siyang nag-alaga sa kanila hanggang umabot na sila sa tamang edad.

Sina Serena at Thomas ay nagkakailala sa isang dating app in 2018 na naging daan ng kanilang pagi­ging magkasintahan hanggang sa kanilang engagement nung isang taon and eventually sa kanilang pagpapakasal nito lamang nakaraang linggo.

Pitong taong gulang pa lamang noon si Serena nang siya’y makilala nang husto sa isang hit TV commercial ng isang kilalang food chain at kasunod na rito ang pagpasok niya sa showbiz in 1997. Taong 2004 naman nang magdesisyon siyang talikuran ang showbiz although bumalik siya in 2008 and 2010 para gawin ang pelikulang Tanging Ina series.

Although hinding-hindi makakalimutan ni Serena ang kanyang pagiging child star at actress sa Pilipinas, masaya na umano siya sa kanyang buhay ngayon sa Amerika lalo na na ngayon na meron na siyang asawa at bumubuo na ng sarili nilang pamilya.

Desiree at Boom, binyag na ang anak

Isa nang ganap na Kristiyano ang unang baby ng mag-asawang Desiree del Valle at Anthony ‘Boom’ Labrusca na si Alexander Sebastian Dunham Labrusca matapos itong binyagan nung nakaraang Sabado, Oct. 1, 2022, sa St. Paul the Apostle Parish in Mother Ignacia, Quezon City.

The celebrity couple got married nung Jan. 14, 2018 sa South Lake Tahoe City in the US.

Ang actor na si Boom ay may isa pang anak, and 27-year-old actor na si Tony Labrusca sa kanyang dating girlfriend na si Angel Jones.

Sina Desiree at Boom ay unang nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa fantaserye na Aryana under ABS-CBN na pinagbidahan ni Ella Cruz in 2012 up to 2013.

Rocco, napaghandaan ang anak

Malapit na ring isinilang ang magiging unang supling ng celebrity couple na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing-Nacino.

Ang Kapuso actor at entrepreneur na si Rocco started dating volleyball player Melissa in 2017 and got engaged on Nov. 20, 2020 and two months later ay ikinasal ang dalawa nung Jan. 21, 2021 on board the Philippine Naval Ship na nakadaong sa Pier 13 ng South Harbor.

After his breakup with singer-actress Lovi Poe, si Melissa ang kanyang naging next girlfriend na hindi na niya pinakawalan hanggang sa maging sila.

Talagang pinaghandaan ni Rocco ang kanyang pag-settle down dahil nagpagawa muna siya ng isang malaking bahay in Antipolo bago siya nag-propose, nagpakasal and eventually sa nalalapit nilang pagiging brand new parents.

Kung si Rocco ay malapit nang maging isang magulang, in a relationship naman ngayon ang kanyang ex-girlfriend na si Lovi sa US-based British producer na si Monty Blencowe at may ilang taon na rin ang kanilang relasyon.

Whenever singer-actress is free from her commitments in the Philippines ay lumilipad ito patungong Los Angeles, California, USA to spend some time with her businessman boyfriend.

Atom at Zen, magdyowa na

Sina Zen Hernandez at Atom Araullo na ba?

Ito ang katanungan ng maraming nakakakilala sa dalawang kilalang news anchors and journalists na nasa magkaibang istasyon na ngayon.

Dating magkasama sa bakuran ng ABS-CBN sina Zen at Atom hanggang magdesisyon ang huli na lumipat sa bakuran ng GMA at naiwan naman sa Kapamilya si Zen.

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with