^

Pang Movies

Maria Clara…, ipapaalala ang nakaraan sa kabataan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maria Claraâ¦, ipapaalala ang nakaraan sa kabataan
Barbie, Dennis at Julie Anne

Dahil nga nakakalimot na ang ating kabataan sa Philippine history, malaking tulong ang malapit nang ipalabas na Kapuso serye na Maria Clara at Ibarra para maalala ng kabataan ang ating nakaraan.

Talagang pinag­handaan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo ang bagong historical portal fantasy series na hango sa nobe­la ni Dr. Jose Rizal. Mula pananamit, kilos at pananalita ng mga karakter ay inaral talaga nila, pati nga ang pagsasalita ng Spanish ay natutunan din nila kasi nga kailangan nilang maging authentic.

Napapanahon nga ang serye na ito dahil kagaya ng karakter ni Barbie ay akala ng kabataan hindi importante ang history sa ating buhay kaya madami sa Gen Z natin ay tuluyan nang nakalimutan ito. Ipapakita rin nila ang difference ng Filipina noon sa karakter ni Maria Clara na ginagampanan ni Julie Anne at mga kababaihan ngayon sa karakter ni Barbie bilang isang Gen Z.

Exciting talaga dahil siguradong maraming matututunan ang kabataan sa Maria Clara at Ibarra.

MARIA CLARA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with