^

Pang Movies

Pokwang, nasa piling ng ex-husband nang mag-birthday  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pokwang, nasa piling ng ex-husband nang mag-birthday             

Kahit hiwalay na, nagkasama pa rin sina Pokwang at ex-partner na si Lee O’Brian para i-celebrate ang 47th birthday nito kasama ang kanilang mga anak.

Pinost ni Pokwang sa kanyang Instagram ang video ng birthday celebration ni Lee at masayang-masaya ang anak nilang si Malia.

“Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @malia_obrian ang bida hahaahahaha ayan nanaman siya,” caption ni Pokwang sa IG video.

Noong July inamin ni Pokwang na matagal na silang hiwalay ni Lee pagkatapos ng walong taong pagsasama. Kahit na nangyari iyon, nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Noong pumunta ng Amerika si Pokwang para sa ilang shows, sinama nito si Malia para magkita sila ng ama nito habang nagbabakasyon sila.

Sey pa ng host ng TikToClock na hindi raw niya ipagkakait si Malia kay Lee dahil alam niyang mahal na mahal nito ang kanilang anak. At gusto niyang laging masaya si Malia at iparamdam dito na hinding-hindi mawawala ang ama nito kahit hindi na ito nakatira sa bahay nila.

Therese, pinagdiwang ang birth anniv ng PH Revolutionary General

Proud moment para sa award-winning Kapuso actress na sina Therese Malvar ang makasama sa 157th birth anniversary ng kanyang great-great-grandfather, ang Philippine revolutionary general na si Miguel Malvar.

Suot ni Therese ay isang white Filipiniana gown noong dumalo siya sa commemorative event noong Sept. 27 sa Museo ni Miguel Malvar sa Santo Tomas, Batangas.

Pinost ni Therese sa kanyang Instagram ang photos ng General Malvar’s 157th birth anniversary celebration kasama ang descendants ng mga Katipunero officer and representatives mula sa local government ng Sto. Tomas and National Historical Commission of the Philippines.

Caption pa niya: “Sa ngalan ng aking pamilya, ang Malvar descendants, nais ko pong magpasalamat sa karangalang ibinibigay ninyo para sa aming minamahal na Lolo Miguel.”

Si Miguel Malvar, ayon sa mga historical books, ay sumali sa Katipunan at nakipaglaban sa Batangas at Cavite during the Philippine-American War. Na-appoint ito bilang division general of the Southern Luzon forces na nanguna sa laban sa Batangas at Laguna.

Pumanaw si Malvar dahil sa kidney failure noong Oct. 13, 1911 sa edad na 46.

Brad Pitt, kumpirmadong dine-date ang diborsyadang model

Kumpirmadong nagde-date na ang Hollywood actor na si Brad Pitt at model na si Emily Ratajkowski.

Ayon sa source ng Page Six: “They are spending a lot of time together. But friends aren’t sure if it’s serious and the two don’t appear to be dating formally.”

Parehong may pending na divorce sina Brad at Emily. Si Brad ay ongoing ang divorce proceedings kay Angelina Jolie. Si Emily naman ay nag-file ng divorce sa kanyang husband, ang film producer na si Sebastian Bear-McClard sa New York.

Kahit wala pa ang official divorce, declared single na siya ng korte since 2019, kaya puwedeng makipag-date si Brad sa kahit sinong gusto niya.

Pero inuuna pa rin daw niya ang pagiging ama sa mga anak nila ni Jolie na sina Maddox, 21, Pax, 18, Zahara, 17, Shiloh, 16, and 14-year-old twins Vivienne and Knox. “Brad has dinner with his younger kids when they are all in LA. Since the kids are older now, they have their own life and friends. Brad still has a pretty good relationship with them,” sey ng source.

POKWANG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with