^

Pang Movies

Jeric at Rabiya, nagkabalikan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Jeric at Rabiya, nagkabalikan
Jeric at Rabiya

Nagharap sa unang pagkakataon sa national TV ang former lovers na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales nang mag-guest ang aktor sa TikToClock last Tuesday.

Kasama ni Jeric si Yasmien Kurdi na nag-guest sa morning show to promote their series Start-Up PH. Mainstay naman ng show si Rabiya.

Kinilig naman ang studio audience sa live na paghaharap ng dalawa. Game silang nagbiruan at sumali sa palaro.

Sa segment ni Pokwang na Mama-huhula, pinaghawak niya ng kamay ang dalawa at tinanong kung ano ang mensahe nila sa isa’t isa.

Sabi ni Jeric, “Biglang nag-init ang kamay ko!”

Sagot naman ni Rabiya, “Jeric, welcome sa TikToClock at saka welcome back to my life!”

Sumabog sa tilian ang audience sa biro ni Rabiya kay Jeric.

Tikom ang bibig nina Jeric at Rabiya sa hiwalayan nila. Basta patuloy lang ang takbo ng kanilang relasyon.

Anyway, sa Sabado ng gabi sa Magpakailanman, tampok ang life story ni Rabiya sa episode na Basta Ilongga, Guwapa: The Rabiya Mateo Story na si Rabiya mismo ang gaganap sa kuwento.

20 na banda, tutugtog sa Macbeth Anniversary

Pasabog at once in a lifetime event ang selebrasyon ng 20th year ng brand na Macbeth.

Mahigit 20 bands ang tutugtog nang live sa event nila sa Oct. 8 sa Metro Tent Center sa Pasig City.

Kabilang sa performers ay ang bandang Mayonaise, Chelsea Alley, Urban Dub at marami pang iba. Tampok din ang vocalist ng Rivermaya na si Rico Blanco.

Bukod sa rakrakan mula umaga hanggang gabi, may fashion show ding magaganap at isasabay sa event ang launching ng Lady Macbeth at Macbeth Underwear.

Ayon sa organizers, strict observance ng protocols ang magaganap sa 20 Rocking Years of Macbeth!

JERIC GONZALES

RABIYA MATEO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with