Angelica, kakaiba na ang pasko pagkatapos manganak

Isa nang ganap na ina ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban matapos nitong isilang last Tuesday, Sept. 20, ang kanyang unang baby sa kanyang non-showbiz partner, ang Subic-based Australian businessman na si Gregg Homan.

Baby girl ang isinilang ni Angelica na kanilang pinangalanang Amila Sabine Homan.

It was only last month nang magkaroon ng baby shower ang aktres at nung buwan naman ng Marso ipinaalam ni Angelica na dinadala niya ang kanilang unang supling ng kanyang partner na si Gregg.

Ang paglabas ni Baby Amila Sabine ay magsisilbing advance birthday gift kay Angelica who will be celebrating her 36th birthday on Nov. 4.

 Sina Angelica at Gregg ay nagkakilala nung 2019 habang nagti-taping sa Subic ang Walang Hanggang Paalam. The following year ay naging magkasintahan na ang dalawa but it was only in 2021 when the actress started sharing their photos together.

Veteran actress Susan Henson, namatay sa cervical cancer

Sumakabilang-buhay na ang veteran actress na si Susan Henson (Pinky Henson sa tunay na buhay) nung nakaraang Sept. 21 (Martial Law anniversary) sa ganap na ika-8:40 ng gabi sa edad na 64.

Taong 1975 nang pumasok si Susan sa showbiz matapos niyang tanghaling Miss Young RP nung kaparehong taon. Pero bago ito ay naging calendar girl siya ng White Castle Whiskey nung 1974.

First movie niya ang Diwatang Kayumanggi: Prinsesang Mandirigma kung saan tampok din sina Jun Aristorenas, Dante Varona, Eddie Garcia, Rudy Fernandez. Marami-rami rin ang pelikulang nagawa ni Susan.

Walang sariling pamilya si Susan. Dahil sa kawalan ng trabaho ay nangupahan ito ng isang kuwarto sa Parañaque at kung saan-saan ito nakakarating. Stage 4 cervical cancer ang kanyang ikinamatay.

Nung nabubuhay pa ang movie queen na si Susan Roces ay isa ito sa tumutulong sa kanyang chemotherapy gayundin ang sister-in-law ni Boots Anson Roa-Rodrigo na si Pempe Oreta gayundin ang ibang mga artista tulad nina Liz Alindogan, Daria Ramirez, Gretchen Barretto at iba pa.

Since pumanaw na walang-wala si Susan, bibigyan nina Liz at Daria si Susan ng three-day wake bago ang inurnment para magkaroon ng pagkakataon ang kanyang mga kaibigan, kakilala at mga kasamahan sa industriya na magbigay ng kanilang huling respeto sa namayapang aktres na sikat na sikat nung dekada sitenta.

Show comments