^

Pang Movies

Sharon sunud-sunod ang dagok, humihina ang pananampalataya   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Wasak na wasak ang puso ni Sharon Cuneta sa magkakasunod na malulungkot na kaganapan sa kanyang buhay. Hindi pa man siya nakaka-recover sa pagpanaw ng kaibigang si Cherie Gil, may dalawang dagok na namang dumating sa kanya ngayon.

Dalawang magkasunod na healing prayers ang ipinost ni Megastar kahapon sa kanyang Instagram page. Ang una ay para sa isa niyang kaibigang mahal na mahal din niya na kasalukuyang nasa ICU (intensive care unit).

“Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke,’” ang malungkot na balita ni Shawie sa kanyang followers.

Kasunod nito ay humingi siya ng dasal para sa paggaling ng kaibigan.

“Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…

“Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray,” pahayag ni Shawie.

Inamin din ni Megastar na medyo humihina na ang kanyang faith na ayaw niya raw mangyari.

“My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit,” aniya.

Humiling din siya sa mga followers na ipagdasal siya gayundin ang kanyang kaibigan.

“Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves,” pagtatapos ni Sharon.

Pangalawang healing prayer na ipinost ni Megastar ay para sa kanyang pamangking babae na si Bam na aniya ay may cancer.

“For my niece, “Bam,” I ask for all your prayers too…She is only 25…and I do not understand why she has cancer…She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too…Maraming salamat po,” pahayag ni Mega.

Nagpadala naman ng kani-kanilang dasal at mensahe ang kanyang mga followers and friends. Dasal din nila’y magiging matatag si Sharon at malampasan ang mga sunud-sunod na dagok na ito.

Lolong at Dakila, lumipad

Lalo pang gumaganda ang kuwento ng Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid kaya naman parami pa nang parami ang tumututok dito gabi-gabi at patuloy na humahataw sa ratings.

Nitong Lunes ay umabot sa 17.3% ang combined NUTAM people rating ng Lolong noong Lunes (Aug. 15) base sa overnight data ng Nielsen Phils TAM.

At marami pang kaabang-abang na mga eksenang dapat tutukan gabi-gabi sa Lolong lalo pa’t magpaparamdam na ang mga Atubaw laban sa pang-aapi ng mga Banson.

Kilalanin din ang mga bagong karakter na ipakikilala sa Lolong sa bagong yugto nito: sina Vin Abrenica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell, at Lucho Ayala. 

 Ngayon ngang balik-Pinas na si Ruru, expect na mas marami pang paandar ang programa. Nitong weekend ay nagtungo sa Cebu ang Kapuso aktor kasama ang leading lady na si Shaira para sa isang Kapuso Mall Show. 

Magiging bahagi rin ang Lolong sa Kadayawan Festival sa Davao sa weekend. Ang bestfriend naman ni Lolong na si Dakila, game na game rin sa pag-iikot sa buong bansa. Nagkaroon pa sila ng bonding ni Lolong nitong Lunes kung saan sumakay sila sa isang ultra light plane at lumipad sa ere. Saan kaya ang susunod na #DaksSpotted?

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with