^

Pang Movies

Liza, nagsimula na sa Hollywood movie?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Liza, nagsimula na sa Hollywood movie?!
Liza

Magaling na manager si James Reid at ang kanyang team dahil napaingay nila internationally si Liza Soberano. Naipakilala sa ilang K-pop idol, napa-guest sa isang Korean show at ngayon, gagawa ng pelikula sa Hollywood, kung totoo ang kumakalat na ispekulasyon, kasama si Liza sa cast ng Lisa Frankenstein at nagsimula na raw ang film shoot.

Makakasama ni Liza sa kanyang Hollywood debut movie ang American actor na si Cole Sprouse at ang American actress na si Kathryn Newton. Dahil magkasama sa movie, Liza and Cole started following each other on Instagram.

Ang director ng pelikula ay si Zelda Williams, anak ng magaling na si Robin Williams, kaya ngayon pa lang, excited na ang fans ni Liza at fans nila ni Enrique Gil sa mangyayari sa career niya sa Hollywood. Very proud kay Liza ang kanyang fans at nagpapasalamat kay James at sa team nito.

Ken, magpepelikula muna!

Kanya-kanyang hula ang fans ni Ken Chan kung anong pelikula ang gagawin niya dahil sa clue niyang “Isa sa mga istoryang kumurot sa ating mga puso, mabibigyang buhay muli. I am so grateful. Looking forward for this project. Soon!”

Walang tinukoy si Ken kung anong title ng pelikula na kanyang pagbibidahan at collaboration ng Viva Films at GMA Pictures. Pinost din ni Ken ang photo na kasama niya si Joey Abacan ng GMA Films at Valerie del Rosario ng Viva Entertainment at mga writer yata na pelikula.

May humula na baka remake ng Saan Nagtatago ang Pag-ibig na pinagbidahan nina Vilma Santos at Tonton Gutierrez ang gagawin ni Ken. Dahil ito sa magaling daw si Ken sa mga role ng isang mentally challenged

Walang ginagawang serye ngayon sa GMA si Ken, kaya kung sisimulan agad ang shooting ng pelikula, makakapag-focus siya rito.

Vivian, na-bash sa pagkukumpara kina Heart at Maris

Na-bash si Vivian Velez dahil sa pagkumpara sa mga suot nina Heart Evangelista at Maris Racal na pinost sa kanyang Facebook account. Sabi kasi ni Vivian, “Heart’s designer outfit in Paris vs. ukay ukay of Maris Racal in NYC. You don’t have to buy expensive, you just need to look like one hahaha.”

Tanong ng netizen, ano raw ba ang gustong tukuyin ni Vivian sa kanyang post at kung galit ba siya kay Heart? May curious naman kung sino ang pinasasaringan ni Vivian? May nag-agree sa comment ni Vivian, pero rude pa rin ang dating noon.

May nagpaalala rin kay Vivian na Heart can buy anuman ang gustuhin dahil pera niya ‘yun at ang importante, hindi galing sa nakaw ang kanyang pera. Buwelta nito kay Vivian, “pinakikialaman ba ni Heart ang wrinkles mo” na rude rin ang dating.

May mga nag-agree rin naman kay Vivian dahil wala raw sa presyo o mahal ng suot ang pagiging classy at mas gusto nila ang ukay-ukay dress ni Maris. Humaba na ang balitaktakan at napunta sa ibang isyu, kaya nakapag-comment si Vivian ng “But some people  just don’t get the point. I did hit a nerve... oh well haha.”

LIZA SOBERANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with