^

Pang Movies

Andrea, naiyak sa New York   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea, naiyak sa New York              
Andrea

Napaiyak sa sobrang kaligayahan si Andrea Brillantes habang nag-i-Instagram Live last Saturday night.

Kasalukuyang nasa New York si Andrea kasama ang iba pang Star Magic talents para sa kanilang US concert tour na first time niyang naranasan.

Kaya naman hindi niya mapigilang ma­ging emosyonal habang ipinapakita sa kanyang followers ang theater na pagdadausan ng concert.

“I’m so overwhelmed lang kasi pinapangarap ko lang ‘to dati, makapunta sa New York. Never kong hiniling na mag-perform, alam n’yo ‘yun? Kasi lagi kong iniisip na imposible ‘yun,” umiiyak na sabi ni Blythe (real name ni Andrea).

Tila hindi nga makapaniwala ang aktres na dara­ting ang araw na ito na makakarating siya sa New York at makakapag-perform pa sa isang malaking theater doon.

“Laki lang talaga ako sa hirap. Wala kaming kama dati, sa matting ako natutulog, tapos ngayon, ‘andito na ‘ko, magpe-perform ako, ‘yung ganitong klaseng theater, sobra-sobra akong amazed pa lang tingnan. Parang hindi siya totoo, parang ‘yung nakikita ko lang sa movies.

“Tapos ako, ako magpe-perform? Dito? Sa harap ng mga tao. Ang galing ni Lord, sobrang ga­ling ni Lord,” emosyonal pa ring sabi ni Andrea.

Gusto lang daw niyang i-share sa mga tao ang kaligayahan niya sa kanyang IG Live at nagpasalamat sa kanyang fans, supporters, family at mga kaibigan for supporting her all these years.

“Lalong-lalo na sa fans ko. Hindi ako makakapunta dito kungdi dahil sa inyo,” she said.

Proud din daw siya sa sarili niya dahil naging matatag siya at hindi sumuko sa mga naranasang hamon sa buhay.

“Now, I’m here. I’m so happy,” sey pa niya.

Christine, gusto nang grumadweyt sa paghuhubad

Matapos ang mahusay niyang pagganap sa Scorpio Nights 3 ay may bago na namang pelikulang pinagbibidahan si Christine Bermas, ang sexy romance-thriller na Lampas Langit. Kasama naman niya dito sina Baron Geisler, Ricky Davao, Chloe Jenna, Ivan Padilla, Milana Ikemoto, Quinn Carrillo mula sa direksyon ni Jeffrey Hidalgo.

Sa digital mediacon na ginanap para sa pelikula ay natanong si Christine kung may itotodo pa raw ba siya sa Lampas Langit pagkatapos niyang ibigay ang lahat-lahat sa Scorpio Nights 3.

Inamin naman ni Christine na naipakita na niya talaga ang lahat sa Scorpio Nights 3 pagdating sa pagpapa-sexy kaya hanggang dito na lang daw siya talaga. Ang gusto naman daw niyang makita ng mga tao sa mga susunod niyang pelikula ay ang kanyang pag-arte.

Aniya, gusto na raw niya talagang grumadweyt sa pagpapa-sexy at paggawa ng mga matitinding intimate scenes. Kaya nga raw rito sa Lampas Langit ay hindi na ganu’n ka-wild ang kanyang love scenes.

Pero ang bago raw na makikita sa kanya sa Lampas Langit ay ang girl-to-girl love scene nila ni Chloe.

“First time ko siyang ginawa talaga at parang nailang talaga kami ni Chloe sa isa’t isa,” natatawang sabi ni Christine.

Mapapanood na sa Aug. 19 ang Lampas Langit sa Vivamax.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with