Tom, nakipagsagutan sa netizens

Tom

MANILA, Philippines — Hindi napigilan ni Tom Rodriguez na sagutin ang ilang netizens na nag-comment sa huling post nito sa kanyang Instagram account.

Nagpa-good vibes lang ang Kapuso actor sa IG post niyang ‘yun.

Nasa caption nga niya: “Great day to be alive indeed! Wishing everyone a blissful day…You hold the power to make your day however you choose…make it a positive one (3 smile emojis).”
Pero meron pa ring nagmagandang nag-comment na sinabing mag-move on at alam na raw nitong maging thankful na madaling bumitaw. “Wag kasi kayo mag-hanap ng babaeng maganda at successful hahaha kasi nasobrahan sila ng feeling strong and empowerment…”

Nakiusap na lang si Tom na iwasan na lang sanang manghiya sa kanyang platform. “Let’s refrain na lang po mam from shaming other in this platform. Already so much of that going around in the world…let’s cultivate some positive vibes.”

Pero may isang netizen na kumontra sa nag-comment.

Ang lalaki rin daw ang dapat sisihin, hindi ang babae. Sabi nito: “Blame the machismo of the man instead. That’s victim blaming. Pathetic.”

Hindi ito pinaglagpas ni Tom. “Naliligaw po ata kayo with your soapbox, speaking of other people’s lives who’s contexts you know none of…perhaps you can tend to cleaning your own room instead? Have a great day.”

Nung huling check ko sa IG post na ‘yun ni Tom kahapon, tinanggal na ang dalawang comments na ‘yun.

Pitong oras pa lang ito nai-post ni Tom, meron na itong halos 9K likes at 375 comments.

Ngayon lang nga uli nagpaparamdam sa social media si Tom, naiintriga pa.

Sean, pinagdudahang prosthetics ang private part

Pagkatapos ng press preview ng pelikulang The Influencer na pinagbibidahan nina Sean de Guzman at Cloe Barreto, iisa ang tanong ng mga bading kung totoo bang private part ni Sean ang ipinakita sa pelikulang ‘yun na nagma-masturbate siya.

Napanood na rin sa ibang pelikula ni Sean ang kabuuan niya, pero mas impressive kasi itong sa huli niyang pelikula dahil talagang naghuhumindig.

May ilang nagdududang prosthetics lang ito kagaya nang ginagawa ng ibang direktor. Itinatanggi ito ng aktor. Trulili raw talaga, dahil ‘yun ang gusto ni direk Louie Ignacio. “Si Direk Louie kasi, mapagkakatiwalaan ko siyang direktor, e,” pakli ni Sean.

“So, dapat talagang magtitiwala ka sa direktor kung ano ang mas magpapaganda sa pelikula, gagawin natin. Kung nire-require dun sa eksena, gagawin natin,” sabi pa niya.

Sabi naman ni direk Louie, maingat siya sa mga ganitong eksena.

“Pag magte-take kasi kami ng sexy, ‘yung cinematographer at ako lang, tapos patay lahat ng monitor. So, kaming apat lang ang nakakakita. Pinapalayas ko lahat ng tao,” saad ni direk Louie sa nakaraang press preview ng The Influencer.

 Sa Aug. 12 na ito na mapapanood sa Vivamax.

Show comments