^

Pang Movies

Alden, na-miss mag-ikot sa mall!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden, na-miss mag-ikot sa mall!
Alden Richards.

Today, Aug. 6, magsisimula na ang promotion ng  Philippine adaptation ng Korean-drama na Start-Up PH ng GMA Network na first team-up nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards and new Kapuso actress Bea Alonzo. May Kapuso mall show na ang ‘boys group’ ng serye na sina Alden, Jeric Gonzales, Boy 2 at Royce Cabrera, sa Ayala Center Cebu, in Cebu City, at 5 p.m.

Meanwhile, ang serye ay dinidirek nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, first time na gaganap si Alden ng bagong charac­ter, si Tristan, na sa simula pa lamang ay masungit na siya. “Pero may konti naman akong bait, hindi nga lamang ako showy na ipakita ito sa mga kasama ko. Without question, tinanggap ko ang role na iyon, isang opportunity iyon na makagawa naman ako ng ibang character dahil ever since, lagi akong mabait. Kaya dito, totally babaguhin ko at pinag-aralan ko ang new lifestyle ko. Thankful ako, na first time ko rin na makagawa ng isang Korean adaptation, at muling makatrabaho si Director Gina Alajar. Nakakatuwa rin na balik na ang mall shows, nakaka-miss na rin, dahil for almost three years ng pandemic ay hindi namin nagawa iyon.”

Mapapanood na ang Start-Up PH bago umalis si Alden para sa kanyang ForwARd US concert tour this August to September.

Maid…, sinugalan ng mga mall

Congratulations to Boss Vic del Rosario of Viva Films, director Darryl Yap, sa buong cast ng Maid in Malacañang, at Senator Imee Marcos, sa success ng movie showing in more than 200 cinemas nationwide. Reportedly, box-office returns nila noong opening day, Aug. 3, ay P21M at second day, P20M.

At may ipinagtapat si Direk Darryl tungkol sa movie: “This Movie was actual­ly planned to be in Vivamax lang. It was Sir Hans Sy of SM management who actually invited Viva and Sen. Imee Marcos, to put this in theaters. Para muling mabuksan ang mga sinehan at mahikayat ang mga tao na muling bumalik manood ng sine. It was SM who actually convinced, na i-sinehan nyo na ‘yan, susugal ang SM dyan.”

Next week ay mapapanood na abroad ang Maid in Malacañang.

Carmina, nagtatakip pa rin ng mata sa maiinit na eksena ni Zoren

Kapag walang taping si Kapuso actress Carmina Villarroel ng bago niyang serye sa GMA, ang Abot Kamay Na Pangarap, pinapanood niya ang GMA Prime series ng husband niyang si Zoren Legaspi, ang Apoy sa Langit.

Inamin ni Carmina na napapatili at nagtatakip siya ng mata sa intense intimate scenes nina Zoren at ng girlfriend niya sa story, si Lianne Valentin.

“Kilala kong conservative si Zoren, pero nang tanggapin niya ang role, pinag-aralan niya, bilang isang sinungaling sa kanyang wife,” kuwento ni Carmina.

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with