FAMAS at Kapuso Gala Night, ‘di nagpapigil kay Ester

Charo

Dalawang major events ang naganap nung nakaraang Sabado, July 31, 2022, sa kabila ng pagsusungit ng panahon dala ng bagyong Ester na nagpaulan nang malakas at nagpabaha sa maraming lugar ng Metro Manila, ang ika-70th Jubilee year ng FAMAS Awards na ginanap sa newly-renovated Metropolitan Theater at ang kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala Night na ginanap sa grand ballroom ng Shangri-La at the Fort in BGC, Taguig City.

Nominado sa pagka-Best Actor ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa FAMAS for the movie A Hard Day na pinagsamahan nila ni John Arcilla na dinirek ni Law Fajardo under Viva Films pero minabuti nitong dumalo sa star-studded event ng GMA along with his wife na si Marian Rivera.

Hindi rin personal na tinanggap ng National Artist na si Ricky Lee ang kanyang Natatanging Gawad Parangal (along with Nora Aunor) sa FAMAS dahil naroon din siya sa gala night ng GMA.

Over at the FAMAS night, masayang ibinahagi ng Best Actress winner na si Charo Santos-Concio ang kanyang tropeo sa bumubuo ng Kun Maupay Man It Panahon na dinirek ni Carlo Francisco Manatad.

Ang martial law movie na Katips na pinagbidahan, dinirek and produced ni Vince Tanada ang nakapag-uwi ng may pinakamaraming awards at kasama na rito ang Best Picture, Best Director & Best Actor for Vince Tanada, Best Cinematography, Best Musical Score at Best Original Song.

Si Janice de Belen ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang Big Night na siya ring pinarangalang Best Screenplay sa writer-director na si Jun Lana.

Ang Philippine adaptation ng K-movie na A Hard Day na tinampukan nina Dingdong Dantes at John Arcilla ang nanalo ng Best Editing (sa director-editor na si Law Fajardo) habang ang Kun Maupay Man It Panahon ay siya ring pinarangalan ng Best Production Design (Whammy Alcazaren).

Kahit may sakit pa ang superstar na si Nora Aunor ay personal nitong tinanggap ang dalawa niyang awards – Natatanging Gawad Parangal at Susan Roces Celebrity Award bilang unang recipient.

Personal ding tinanggap ni Sen. Imee Marcos ang FAMAS Exemplary Award for Public Service.

Si Sen. Jinggoy Estrada naman ang tumanggap ng FPJ Memorial Award.

Umuwi naman ng Pilipinas galing Amerika ang dating Sampaguita child star na si Tessie Agana na siyang tumanggap ng Lifetime Achievement Award.

Alden, dateless pa rin

Dateless pa rin ang Kapuso prized actor na si Alden Richards nang ito’y dumating sa kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala Night na ginanap sa Shangri-La at the Fort Ballroom nung nakaraang Sabado ng hapon.

Talagang pinaghandaan nang husto ng Kapuso stars, artists, executives, radio & TV personalities at iba pang luminaries ang first gala night ng GMA.

Dumating din ang Kapuso singer-actress at fashion icon na si Heart Evangelista kasama ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero, Bea Alonzo, ang rumored sweethearts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at marami pang iba.

Marami ang nagulat nang makita ang Fil-Am singer-actor-host na si Billy Crawford na rumampa sa GMA Thanksgi­ving Gala Night last Saturday kasama ang kanyang misis, ang actress-host na si Coleen Garcia, na hindi kataka-taka dahil si Billy ang game master (host) ng bagong season ng The Wall Philippines na mapapanood na sa GMA simula this month of August.

Show comments