Zanjoe, umaming madaling mahalin si Janine

The idea of working with Janine Gutierrez in the coming series, Dirty Linen, excites Zanjoe Marudo.

And as Zanjoe said, “no need to tell you why.”

Sa Kapamilya Channel, lalo na, siya ang paboritong maging co-star ng bawat leading man. Hindi lang dahil magaling siya, kung hindi marunong pang makisama, turing ni Zanjoe.

May balak ba siyang ligawan si Janine? Tanong sa isang interview kay Zanjoe.

“Hindi ko masabi,” sagot ni Zanjoe. “Pero, madaling mahalin ang isang katulad ni Janine.”

Meanwhile, ayon kay Paulo Avelino, na siyang nali-link kay Janine sa ngayon, may gagawin silang series na dalawa, na posibleng i-shoot sa ibang bansa.

Well, abangan.

Ruffa, inaabangan ang pa-birthday ni Bistek

Ruffa Gutierrez will turn 49 tomorrow, June 24.

Ask ng marami ano raw kaya ang pa-birthday sa kanya ni former Quezon City mayor Herbert Bautista.

Common knowledge na tumakbo for Senator si HB last elections, pero, ‘di nga pinalad na manalo.

Isa sa kumampanya nang husto sa kanya si Ruffa, na balitang love of his life ni HB. Nanatiling friend daw si Ruffa with the father ng dalawa niyang anak, ang Turkish na si Yilmaz Bektas.

Isang international beauty queen daw ang kasalukuyang asawa ni Yilmaz.

Xian at Kim, pangarap magkaanak

Both 32 years old, admitted sina Xian Lim at Kim Chiu that love to the max talaga nila ang isa’t isa.

Ten years na ang kanilang relasyon. At hindi nababawasan, lalo kamong tumitindi. Ang pagpapakasal, kahit ‘di raw nila pinag-uusapan, lalo’t in print, tiyak darating iyon.

Lalo’t pangarap nilang magkaroon ng anak.

Only child si Xian, samantalang Kim has two sisters and a brother.

Dinidinig ang ating mga dasal…

How are prayers answered?

Yes, how do you know na ang idinarasal mo ay pinakikinggan ni Lord and before you know, sinagot na niya.

Matagal daw ipinagdasal ng dating kasama sa trabaho na sana magka-car siya. Hindi bago. Pero, hindi naman kakarag-karag.

And presentable pa rin somehow.

He needed a car dahil lumipat siya ng tirahan at makakatipid siya kahit papaano.

Puwede siyang matulungan ng kanyang office, para makakuha ng diskwento, sa kinukunan nito ng gasolina.

At higit sa lahat, ang dalawa niyang nakakabatang kapatid, dahil dinadaanan niya ang paaralang pinapa­sukan ng mga ito ay puwede niyang maihatid-sundo.

Why don’t we pray for it?

No need to tell that his and his friend’s prayers have been answered.

Show comments