^

Pang Movies

Cardo, ayaw ‘papatay’

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Cardo, ayaw �papatay�

Alam mo, Salve A., nabuhay na naman ang usap-usapan na malapit na umanong magtapos ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin kesyo maraming important characters na ang namaalam at kasama na rito ang isang matinding kaaway ni Cardo Dalisay (played by Coco) na si Lito Valmoria (Richard Gutierrez). Nakatakda ring mamatay sa serye si General Delfin Borja (Jimmy Fabregas), ang lolo ni Cardo plus at iba pang mahalagang characters.

Sa pagkamatay ni Valmoria (Richard), pumasok naman ang misteryosang character ni Ramona (played by Charo Santos-Concio) at kanyang mga tauhan na siyang magliligtas kay Cardo who will eventually get reunited with the rest ng mga kasamahan niya sa Agila.

Sasabak pa rin ang grupo sa marami pa nilang mga kaaway tulad nina Lily Ann Cortez-Hidalgo (Lorna Tolentino), si Arturo Padua (Tirso Cruz III), Renato Hipolito (John Arcilla) at ang grupo ni Armando (John Estrada), maging ang grupo na pinamumunuan ni Don Ignacio Guillermo (Tommy Abuel) na siyang ama ni Aurora (Sharon Cuneta).

Mahaba pa ang buhay ni Cardo Dalisay na tila ayaw ng mga manonood na wakasan.

Sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya network nung May 5, 2020, hindi ito naging balakid sa pagpapatuloy ng pakikipaglaban ni Cardo hindi lamang sa kanyang mga kaaway kundi sa viewership na sinusundan siya sa lahat ng platform.

Wala rin alinlangan na si Coco pa rin ang may hawak ng korona bilang Primetime King.

Sa darating na September 2022 ay pang-7th anniversary na ng serye.

Kobe at Erika, nakawala sa dating karelasyon

Mukhang may special something sa pagitan nina Kobe Paras at Erika Portunak na nakitang nagbabakasyon sa Miami Beach, Florida, USA.

Si Kobe ay ang young basketball star na anak ng dating mag-asawang Benjie Paras at Jackie Forster habang si Erika naman naman ay panganay na anak ng aktres na si Ina Raymundo at Canadian husband nitong si Brian Portunak.

Apparently, wala na si Kobe at ang Ateneo Lady Eagles volleyball player na si Ponggay Gaston at si Erika at dati nitong nobyong si Chris Card.

Kung gugustuhin ni Erika na mag-showbiz tulad ng kanyang mom na si Ina, tiyak na may mararating ito.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with