Inaalam na ang mga kailangan...pulitikong matinik sa babae, teen star ang bagong minamanyak

Tina-target daw ngayon ng isang mayamang pulitiko ang nagdadalagang celebrity!

Eh lumalaking mola sa panangin ng politician ang teen star. Kahit kasi may partner at mga anak na,  matalas ang mata ng pulitiko sa gusto niyang maging kept-woman!

Gumagawa raw ng paraan ang pulitiko upang malaman ang pangangailan ng teen star. Eh kahit may projects naman ito, kulang ito sa gustong makamit na bagay sa buhay.

Kaya naman, may pinaplano na ang politician na ibigay na bagay sa teen star upang mapalapit siya rito.

Eh ayon sa mga balita, basta nagustuhan ng politician eh nakukuha niya ang babae sa sarili niyang paraan! Matinik sa babae base sa track record niya, huh!

Buhay ni Dagul bibida sa magpakailanman

Makakatulong sa daily needs ng komedyanteng si Dagul ang pagsasabuhay sa kanyang buhay sa Magpakailanman.

Matatandaang na-feature  sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung hindi kami nagkakamali ang kalagayan ni Dagul nang magkaroon ng pandemic. Nawalan nang trabaho at nagtinda-tinda na lang ito sa lugar nila.

Isa si Benjie Paras sa tumulong kay Dagul at iba pang naantig sa kuwento niya.    

Si Dagul mismo ang gaganap sa kuwento ng buhay niya ngayong Sabado sa #MPK at lalabas na anak niya si Jo Berry bilang si Jkhriez Pastrana.

Show comments