^

Pang Movies

Matteo at Sarah, may bagong bukas na resto   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Matteo at Sarah, may bagong bukas na resto            

Magkasunod lamang yatang nakipagkita si Italian Ambassador Marco Clemente to the Philippines, kay President-elect Ferdinand R. Marcos Jr. at sa mag-asawang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo two days ago. Nag-post si Matteo sa kanyang Instagram ng photo nila ni Sarah with the Italian Ambassador: “A nice mor­ning coffee with the Italian Ambassador, Ambasciatore Marco Clemente. A fruitful conversation on streng­thening The Filipino-Italian relationship.  Exciting times ahead!”

May pasabog kaya sina Matteo at Sarah?

Sumunod na post ni Matteo ay ang opening ng kanilang restaurant sa BGC, ang Italian restaurant na  Il Farnaio da Gianni at open daw ito 9 a.m. – 9 p.m. daily.

Jennylyn, naghahanda na sa pagbabalik!

Ready na ba si Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado na balikan ang showbiz, after giving birth to their Baby D ng husband na si Dennis Trillo last April 25? Nag-post na si Jennylyn sa kanyang Instagram na nagpi-pilates.

Matatandaan na may ginagawang serye sina Jennylyn at Xian Lim, ang Love. Die. Repeat. nang malaman niya na preggy na siya sa first child nila ni Dennis, last September 2021. Nagpasalamat si Jennylyn nang maintindihan ng GMA ang good news at pumayag silang i-hold na muna ang serye at tapusin na lamang ito kapag pwede na siya muling bumalik sa work this year.

Baguhang aktres, nakipagsabayan sa apoy…

If you’re a regular viewer ng GMA Afternoon Prime na Apoy sa Langit, tiyak na isa rin kayo sa naiinis pero humahanga sa husay ng acting ni Lianne Valentin. For a newcomer, ang husay niyang nagagampanan ang role ni Stella, na other woman ni Cesar (Zoren Le­gaspi). Inamin ni Lianne na nag-isip siya kung tatanggapin ang role, pero bilang isang artista, nakita niya ang ganda ng role kaya na-challenge siyang tanggapin ito.

“Nakakanerbyos po sa simula, pero very supportive po naman sina Ms. Maricel (Laxa), si Sir Zoren and even po si Mikee, kaya thankful po ako sa kanilang lahat,” wika pa ni Lianne.

 Ang Apoy sa Langit ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 p.m. after Eat Bulaga.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with