^

Pang Movies

Anne, balik-showtime!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Anne, balik-showtime!

May special announcement na gagawin si Anne Curtis ngayong araw.

Ang hula ng marami ay malamang na bumalik na siya sa kanyang hosting job sa It’s Showtime kung saan siya naging bahagi sa loob ng 10 taon until humingi siya ng leave nung December 2019 para bigyan daan ang kanyang pagbubuntis sa kanilang unang baby ng  husband na si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie na isinilang sa Australia nung March 2, 2020.

Malamang din na ito na rin ang maging senyales ng kanyang pagbabalik showbiz dahil nakatakda siyang magkaroon ng comeback concert sa darating na June 11 (Saturday) sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, LUV-ANNE.

Ang concert ay nakatakdang idirek ng panganay ni Gary Valenciano na si Paolo Valenciano habang si Teacher Georcelle Dapat-Sy naman ang choeographer with Maestro Louie Ocampo bilang musical director.

Hindi ikinakaila si Anne na magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman sa papalapit na comeback concert niya lalupa’t nung Aug. 18, 2018 pa ang kanyang huling concert na pinamagatang AnneKulit: Promise, Last Na `To which coincided sa kanyang ika-21st anniversary sa showbiz. Ito’y ginanap sa Big Dome (Araneta Coliseum) na tatlong beses niyang napuno.

Hindi maikakaila ang pagiging hands-on mom ni Anne sa kanyang two-year-old daughter na si Dahlia na siyang sentro ngayon ng attention nila ng kanyang mister na si Erwan.

Pinay singer sa japan na si marlene dela pena, ayaw pa ring pabakuna

As of this writing ay hindi pa bukas ang Japan sa mga turista at super higpit pa rin ang nasabing bansa sa kanilang health protocol laluna sa mga taong pumapasok sa kanila.

Lahat ng mga pumapasok ng Japan, residente man o hindi ay kinakailangang dumaan sa quarantine protocol sa arrival airport (Narita/Haneda) o iba pang paliparan ng Japan na puwedeng tumagal hanggang apat na oras. Although orderly at organized, hassle pa rin ito sa incoming passengers mula sa iba’t ibang bansa o destinasyon. Kapag tapos ka na sa proseso sa airport ay saka lamang papayagan ang incoming passenger na dumiretso sa arrival area, Immigration and eventually sa baggage claim at saka ka na malayang makakalabas ng paliparan papuna sa iyong destinasyon. Pero hindi pa rin ito doon nagtatapos dahil meron kang lalagdaang pledge sa airport (during the quarantine process) na mati-trace ang location mo at kailangan mong sagutin each time na ito’y nag-a-alarm dahil dapat naka-house or hotel quarantine ka sa loob ng ilang araw.

Ang negative RT-PCR result at vaccination from the country of origin ay dalawa lamang sa requirements pagpasok ng Japan pero dadaan ka pa sa saliva testing na siyang matagal ang proseso.

Sa ngayon ay bukas lamang ang Japan sa returning residents, businessmen at pagbisita sa may kamag-anak doon.

Tulad dito sa ating public utility vehicles, hindi rin nao-observe sa Japan ang social distancing laluna sa sakayan ng tren maging sa malls and restaurants. Kung titingnan, parang normal na rin ang lahat except na wala pang mga turista kaya bagsak ngayon ang economy ng Japan.

Marami na ring Filipino celebrities ang nag-aabang na muling magbukas ang Japan sa tourists.

Samantala, nagulat kami sa Filipina singer na naging superstar ng Japan noong late `70s to `90s na si Marlene de la Peña (Marlene Lim) or Marlene Jazz dahil hindi pa rin ito bakunado (kahit isang dose) hanggang ngayon maging ang dalawa niyang anak.

Sinabi namin sa kanya na mas malaki ang disadvantage sa kanya at sa health ng dalawa niyang anak kung hindi sila magpapa-vaccine dahil hindi sila makakagala freely kahit saan dahil hindi pa sila natuturukan ng anti-COVID-19 vaccine.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with