Bidang aktres, nabuking ang pagiging palamura sa zoom presscon

Natawa na lang ang mga reporter na nasa Zoom presscon ng isang series nang biglang mapa-“sh*t” ang lead actress ng series habang sinasagot ang mga tanong ng press people. Agad din namang naisip ng aktres ang kanyang pagkakamali at nag-sorry.

Natawa na rin ang press people sa faux pas ng aktres at dahil alam na hindi sinasadya at favorite expression ng marami sa atin ang salitang ‘yun, hindi pinersonal ng mga reporter.

Pagkatapos naman noon, hindi na naulit ang pagkakamali ng aktres, kahit excited siya sa pagkukuwento sa kanyang bagong project. Pero, mabuti na lang talaga na Zoom presscon lang ‘yun at hindi pangmalakihang mediacon.

Shayne, natupad na ang pangarap na bahay

Masayang-masaya si Sparkle GMA Artist na si Shayne Sava dahil natupad ang pangarap na ipagpagawa ng bahay ang kanyang pamilya. Under construction na ang bahay nila, kaya lalong sinisipag si Shayne na magtrabaho. Hindi na raw sila mangungupahan na matagal nilang ginagawa. “Kinikilig ako kasi finally mayroon na akong sariling bahay. Siyempre, pinapagawa pa po ngayon, kaya hindi pa kami makalipat. Pero, very thankful ako sa lahat ng supporters ko at sa GMA 7 sa mga ibinibigay nilang projects sa akin,” sabi ni Shayne.

Isa nga sa mga project na ginawa ng Kapuso star mula nang manalong Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 7 ay ang Raising Mamay kasama si AiAi delas Alas. Nakasama rin siya sa Legal Wives at may mga guesting pa.

Marami pang projects na dara­ting kay Shayne dahil masipag ito at mabait, kaya tiyak marami pa rin siyang mapupundar para sa pamilya. Sigurado ring hindi na sila nangungutang ng lola niya ng pamasahe para sa mga pupuntahan niya.

Jaclyn at Kylie, bumawi sa bolera

Gumaganap sa role ni Tessa Fajardo, ina nina Joni at Tres Fajardo sa Bolera si Jaclyn Jose na malaki ang pasasalamat sa GMA 7 dahil hindi siya nawawalan ng project. After The World Between Us, mapapanood naman siya sa sportserye na asawa ni Al Tantay at kontra sa pagiging billiard player ni Joni.

Third project na nina Jaclyn at Kylie Padilla ang Bolera dahil nagkasama na sila sa Ilustrado at The Cure. Pero, sabi ni Kylie, wala silang eksenang dalawa ni Jaclyn sa Ilustrado, dito sa Bolera sila bumawi bilang mag-ina.

Para kay Jaclyn, walang ipinagbago si Kylie mula nang una silang magkasama. Marespeto pa rin ito, laging may “po” at “opo,” focus, at hindi suplada. At bagay na mag-ina ang dalawa dahil pareho silang mestiza.

Anyway, sa Monday na, May 30, 8:50 p.m., ang world premiere ng Bolera. Sina Dominic Zapata at Jorron Monroy ang dalawang directors nito

Show comments