BINI at BGYO, makakasama ang K-Pop Girl group na Red Velvet sa benefit show

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy lang sa pagpapakita ng talentong Pinoy ang P-Pop groups na BINI at BGYO na parehong magpe-perform sa Be You benefit show na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Hulyo 22 (Biyernes).

Mapapanood sa event na inilarawan bilang kakaibang selebrasyon para sa mga taong may special needs sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ng BINI at Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ng BGYO.

Mapapanood din sa Be You: The World Will Adjust ang sikat na K-Pop girl group na Red Velvet at iba pang local artists. Wala pang detalye kung paano makakakuha ng ticket para sa event.

Isang linggo bago ang Be You event, mapapanood din ang BINI at BGYO kasama ang iba pang P-pop groups sa inaabangang Tugatog Filipino Music Festival na gaganapin din si MOA Arena sa darating na Hulyo 15 (Biyernes).

Show comments