Sen. Grace nagpasalamat, naihanda ni Susan Roces bago namatay!  

Cardio-pulmonary arrest ang ikinamatay ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces noong nakaraang May 20.

Ayon sa anak nitong si Senadora Grace Poe, araw ng Martes (May 17) nang dalhin nila sa ospital ang batikang aktres. Nanghihina na raw ito at hindi na kumakain.

“Hindi kasi siya nagdadaing ng masyado. Kilala ko ang aking nanay, itinatago niyang mabuti kung ano man ang nararamdaman niya, ayaw niyang maging pabigat sa iba ah pero alam n’yo ngayong nagpandemic tayo, hindi siya masyadong nakapag-taping o hindi siya masyadong lumabas so nagkaroon siya ng maraming oras na magmuni-muni at sa tingin ko talagang nangungulila na siya sa tatay ko.”

Pumanaw ang kabiyak ni Susan na si Da King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr. noong 2004. Kuwento pa ni Grace, parati raw nilang napag-uusapan ang kanyang ama. Kaya alam na gusto na ng kanyang ina na magkasama na sila ulit.

“Madalas ‘pag nag-uusap kami, siya pa rin ang pinag-uusapan namin, pero alam niya na gusto niyang ihanda niya kami, gusto niya kami na ilagay sa maayos. Kaya halos dalawang dekada na rin ang nakalipas si FPJ siguro sabi niya, tama na siguro ‘yun,” sey ni Grace.

Nagpapasalamat si Grace sa kanyang ina dahil hinanda umano siya at pinalaki ng maayos at maging matatag.

Advertising
Scroll to continue

“Gusto ko lang sabihin sa kanya na maraming salamat, hinanda niya kami sa mahabang panahon na naulila kami kay FPJ at bago pa noon mga bata pa kami kung anong maituturo niya sa akin naituro niya sa akin. Pinalaki niya ako na maging maligaya sa kakaunti na meron at huwag kalilimutan na meron talaga tayong misyon sa buhay na pwede tayong tumulong kung meron tayong pagkakataon na tumulong, tumulong tayo at huwag tayong padalos-dalos ng kilos. 

“Maging mahinahon tayo pero huwag tayong paaapi. ‘Pag merong kailangang sabihin, sabihin, kaya Ma, parang nawalan ako ng saklay, pero sabi mo naman palagi ‘di ba, ‘Grasya kaya mo ‘yan, kayanin mo yan, huwag mo akong papahiyain.’ So kakayanin naman namin at alam kong nandiyan ka.”

Sushmita, ‘di nakakalimutan ang panalo sa Pilipinas 

Nag-celebrate si Miss Universe 1994 Sushmita Sen of India ng kanyang 28th anniversary bilang kauna-unahang Indian beauty na manalo ng Miss Universe crown.

May 21, 1994 noong koronahan si Sushmita sa Pilipinas kunsaan ginanap ang Miss Universe pageant at tinalo niya ang higit sa 77 contestants from different countries.

Nag-post ng throwback photo si Sushmita sa Twitter na may caption na: “Beautiful is a feeling. Happy 28 years of India winning Miss Universe for the very first time!! Time flies…Beauty remains!!”

Isang fan page naman ang nag-post ng ilang photos at video nang pagpanalo ni Sushmita noong 1994 sa Pilipinas. 

May caption ito na: “21.05.94… Dearesssstttt Titu Dede Happy 28th Anniversary!!! You make us sooooo proud!!! Our tribe sooooo proud!!! And, our country sooooo proud!!! I love you!!

Hinding-hindi makakalimutan ng mga Pinoy si Sushmita dahil sa ganda’t talino nito. Sa katunayan ay maraming sinilang na sanggol noong panahon na iyon ay pinangalan ay Sushmita.

After Sushmita, dalawang beauty queens from India ang nagwagi rin ng Miss Universe title. Ito ay sina Lara Dutta (2000) at Harnaaz Sandhu (2021).

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang film and TV actress si Sushmita sa India. May dalawa siyang adopted kids at na-diagnose siya with Addison’s disease na required siyang mag-take ng lifelong steroids drugs.

Ed Sheeran, Daddy na ulit

Daddy for the second time ang English singer na si Ed Sheeran. Sinilang ng kanyang misis na si Cherry Seaborn ang second child nila noong nakaraang May 19. Isa ulit itong baby girl.

Post ni Sheeran sa Instagram: “Want to let you all know we’ve had another beautiful baby girl. We are both so in love with her, and over the moon to be a family of 4 x.”

Girl din ang panganay nila Ed at Cherry na si Lyra Antarctica na pinanganak noong 2020 du­ring the COVID-19 pandemic.

Nais pa raw ng Perfect singer na magkaroon pa ng maraming anak: “I’d love more kids man, I’d love it, but it does all depend on what Cherry wants too because it’s her body. I’m really proud of Cherry as a mother. She’s such an incredible human, I’m just in awe. She did a whole Cambridge degree which she started two weeks before giving birth, new baby, and I went to her graduation three days ago at Jesus College and people were saying like, ‘How did she do this with a baby?’”

Show comments