^

Pang Movies

Nanette, ‘di nakakalimot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nanette, �di nakakalimot

Isa sa alaga ko na talagang hindi nakakalimot bumati ng Pasko at birthday ay si Nanette Medved-Po.

Talagang lagi niyang naalala niya ang special occasions kaya naman lagi na ay napi-feel ko ‘yung sincerity ng pagmamahal niya sa akin.

Si Nanette hindi showy ang emosyon niya, magkita kayo o hindi, mag-usap kayo o wala, ok lang sa kanya. Pero lagi siyang nandiyan ‘pag kailangan mo. Hindi ko nga akalain na kahit ngayong pribado ang buhay niya, at parang iba na rin ang mundo na ginagalawan niya pero nandu’n pa rin ‘yung bonding niya sa akin.

I feel so honored and loved with her affection, dahil hindi tulad ng iba kong alaga, hindi ganun ang laki ng oras na binibigay ko kay Nanette. Pero isa siya sa talagang nagpakita ng buong pagmamahal sa akin.

Salamat, Nanette, so proud of your achievements.

Jinggoy at JV, kailangang bumawi

Dinadasal ko na sana maging maganda ang performance nina Jinggoy Estrada at JV Ejercito sa Senado. Halos talunan lahat ng Estrada at Ejercito noong nagdaang election, at ngayon 2022 lang nakabawi sa panalo nina Jinggoy at JV na hindi pa rin kataasan ang puwesto sa senatorial race.

Ito ang pagkakataon na dapat magpakitang gilas ang magkapatid, ipakitang kaya nilang i-deliver ang mga pangako nila sa tao.

Kasi nga, parang ‘pag hindi nakabawi ngayon baka mawala na ang magic nila sa pulitika at mawala ang pangalang Estrada/Ejercito.

Iba na kasi ang panahon ngayon, iba na rin ang hinahanap ng tao, mas madali nang makita kung merong nagawa o ginawa ang isang leader.

Nagpakita ng excitement lahat ng nakaraan election, matanda at bata talagang bumoto. Kaya now is the time na magpakitang gilas.

vuukle comment

NANETTE MEDVED-PO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with