^

Pang Movies

Yumaman talaga sa ABS-CBN... Bea , bumili ng apartment sa Spain  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Yumaman talaga sa ABS-CBN... Bea , bumili ng apartment sa Spain             

Malaki na talaga ang pagbabago sa buhay ni Bea Alonzo. Kamakailan lang nakita namin ang isang vlog na nagpapakita sa kanyang malaking farm sa Zambales.  Napakalawak ng farm, na may chapel pa.

Balak pa raw ng ermat niya na pagdating ng araw, iimbitahin nila hindi lang ang kanilang manggagawa sa farm, kundi maging ang mga kalapit-bahay na doon na magsimba.

Ang mother mismo ni Bea ang nag-aasikaso sa farm, dahil sa takbo ng kanilang kuwentuhan, ang mother niya ang nagpaplano ng lahat.

Medyo naka-wheelchair na kasi ang mother niya at siguro nga maganda ang farm para sa kanya kaysa sa city living.

Noong isang araw naman may vlog naman siyang bumili siya ng bahay, isang apartment actual­ly sa Madrid, Spain. Kung bakit sa Madrid, hindi namin alam.

Choice niya iyon. Iyong iba gusto sa US, siya naman sa Spain.

Aba eh kung gusto mo nga nang mas tahimik, maganda sa Madrid, pero titira ba siya roon o investment lang? At bakit naman doon siya mag-iinvest.

Si Bea, ay isang artistang walang dudang pina­yaman ng ABS-CBN. Bago naman siya napasikat ng ABS-CBN hindi pa ganyan ang buhay niya. Simu­la naman noong umalis siya sa ABS-CBN, wala pa siyang nailalabas na proyekto sa telebis­yon man o sa pelikula. Iilang commercial pa lang yata ang nailabas niya, na ang sabi ay hindi naman gaanong lumakas ang mga produkto.

Hindi maikakaila na inasahan ng ABS-CBN na si Bea ay mananatili sa kanila lalo na noong mawalan sila ng franchise. Pinakawalan nila talaga lahat ng artista nila dahil hindi nga sila sigurado kung ano ang mangyayari dahil wala silang franchise.

Pero hindi nila inaasahang aalis ang mga kagaya ni Bea. Eh umalis nga. Pero hindi naman maikakaila na kung ano man ang kalagayan niya ngayon sa buhay ay naabot niya dahil sa ginawa para sa kanya ng ABS-CBN.

Gabby at Aga, sinukuan ang pulitika

Hanggang sa telebisyon na lang ang pamumulitika ni Gabby Concepcion.

Sa kanyang serye ngayon, presidente ng bansa ang role niya. Pero kung natatandaan ninyo, nagkaroon din ng ambisyon si Gabby na ma­ging mayor. Tumakbo siya, natalo, at pagkatapos noon ay natanggap ngang show business ang para sa kanya.

Si Aga Muhlach, tumakbo ring congressman. Natalo, tinanggap niyang siguro nga hindi iyon ang para sa kanya, show business siya ulit at hanggang ngayon ay isang sikat na actor pa rin.

Dapat ganoon ang attitude sa pulitika, hindi iyong nagmamaasim kung natalo, at alam nang ayaw ng tao sa kanya, nagpipilit pa rin.

Anak ng respetadong aktres, pumapatol sa mga poging bading

Alam kaya ng magaling at respetadong aktres na ang anak niyang lalaki ay bading? Palagay namin ay hindi. Kasi ang image ng bata ay hinahabol ng mga babae at pantasya rin ng mga bading. Pero basta pala ang kasama niya ay mga poging bading din, game siya.

Sumama siya sa isang silahis ding kaibigan niya noong isang araw nang magyaya iyon sa kanyang condo dahil may liquor ban nga dahil sa eleksyon.

Pero makakainom sila in private. Game naman daw si pogi, at nang medyo lasing na, pumayag din siyang makipag-sex sa kaibigan niyang kabaro.

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with