^

Pang Movies

Toni, niresbakan ang bashers!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Toni, niresbakan ang bashers!              

Sa kanyang Instagram page ay nagbigay ng first statement si Toni Gonzaga ilang araw matapos ang eleksyon.

May “laman” ang statement ng TV host na tila sinasagot ang mga umalipusta at nanlait sa kanya dahil sa pagsuporta niya kay Bongbong Marcos sa 2022 elections.

Nag-post si Toni ng mga larawan niya habang nasa mga campaign rallies ni BBM at sa caption, she wrote, “in the end…. Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up…. Alone.”

Obviously ay patama ito sa kanyang bashers at kulang na nga lang ay sabihin niyang nasa kanya ang huling halakhak.

Sa comment section ay pinuri si Toni ng kanyang best friend na si Mariel Rodriguez. “Bilib na bilib kami sayo. Mas lalo kami humanga sayo. YOU ARE ONE OF A KIND!!!! Congratulations,” aniya.

Sabi naman ni Karla Estrada, “you won’t stand alone! Never!”

Sumagot din ang ibang netizens na hindi naman daw “alone” si Toni dahil 31 million sila. Ito kasi ang bilang ng boto ni BBM sa kasalukuyan.

Of course, hindi pa rin maiwasan na may bashers pa rin at kinontra ang statement ni Toni.

“FYI it does not mean that Majority is always the right one. There are times that being right can be unpopular... Don’t be self righteous,” komento ng isang netizen.

Dating Miss Earth, nakipagtikiman sa mga leading man

Tumodo talaga si Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee sa pelikulang Putahe na pinagbibidahan nila ni Ayanna Misola.

Napanood namin ang pelikula sa private screening na ginanap last Wednesday at talaga namang nalula kami sa dami ng love scenes ni Janelle.

May love scenes siya sa halos lahat ng male cast ng pelikula. Ilan nga rito ay sina Massimo Scofield, Chad Solano at Mon Confiado.

Bukod dito, may love scenes din siya kay Ayanna.

Tanging kay Ronnie Lazaro lang siya walang intimate scenes dahil tumanggi ang magaling na aktor.

“Supposedly, may love scene kami ni Janelle but pinag-aralan natin at nakita naman natin na parang hindi kailangan,” paliwanag ni Ronnie sa presscon after the screening.

Anyway, palaban din si Ayanna sa daring scenes sa Putahe at walang takot na nakipagtikiman sa kapwa-babae. Pero bibilib ka naman sa newbie sexy star dahil marunong siyang umarte at bagay na bagay sa kanya ang role bilang isang virgin na island girl.

Puring-puri rin sina Ayanna at Janelle ng mga veteran stars na sina Mon and Ronnie.

Ayon naman kay Ronnie, sobrang relaxed and liberated daw ng sexy stars ngayon kaya pagbibiro niya, ang feeling daw niya ay obsolete na siya.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with