^

Pang Movies

Gary, na-bash sa ‘first time’  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“What a sense of patriotism for me to vote for the first time. I love the Philippines,” sabi ng 57 years old na si Gary Valenciano.

“57 na first time to vote, anong patriotism iyan,” sabi naman ng isang netizen.

 Iyong simpleng post ni Valenciano, sinundan ng isang damukal na bashing mula sa netizens. Marami silang bintang. Una kaya raw bumoto at nagkampanya para makatulong sa mga kandidatong inaasahan nilang makapagbabalik ng franchise ng ABS-CBN. May nagsasabi namang para makapagkampanya openly sa kanyang bayaw na si Kiko Pangilinan na natalong vice president.

Baka naman kaya ngayon lang nakaboto ni Gary ay dahil noon, mas sinusunod niya ang kanyang Puerto Rican citizenship. Pero dahil siguro sa sitwasyon, kailangan na siyang maging Pinoy, at sinasabi namang dumaan siya sa mga prosesong legal para siya maging Pinoy.

Hayaan na ninyo si Gary personal na buhay na niya iyon. Kung for the first time ikinararangal niyang bumoto siya at Pilipino pala siya, wala na tayong pakialam doon.

Marami namang nagkakagusto sa kanyang mga kanta at kahit kami gusto namin ang kanyang kauna-unahang kanta, ang You Got Me Working yata iyon.

Kaya sa bashers ni Gary, tigilan na sana ninyo ang bashing. Wala namang ibubu­ngang mabuti iyan. Kalimutan na natin ang mga alitan noong nakaraang eleksiyon.

Ang pakinggan na lang natin ay ang tinig ng bayan. Alam naman natin ang partidong sinamahan ni Gary V., na kung wala lang si Senator Risa Hontiveros, muntik na namang naulit ang “otso diretso.”

‘Di naka-recover sa massive stroke... Fanny serrano, pumanaw na!

Malungkot ang show business dahil pumanaw na ang kaibigan ng marami, ang make-up artist ng lahat ng superstars, at designer din ng mga damit nila, si Fanny Serrano.

Nagsimula si Fanny bilang performer. Lumalabas sila noon sa stage acts at may grupong kung tatawagin ay Paper Dolls. Nagsimula si Tita Fanny bilang isang actor noong 1973 at noong 1977 siya nagsimula bilang make-up artist.

Simula noon nakilala na si Tita Fanny bilang isang showbiz figure. Pero iyon nga, dahil sa kasipagan na rin siguro, nagkaroon siya ng massive stroke. Kahit na hindi na makakilos gaya ng dati at nasa wheelchair na lang nanatili siyang aktibo at itinuturo pa rin sa kanyang mga tauhan ang dapat gawin.

Malaking kawalan sa industriya ang pagpanaw ni Tita Fanny.

Aktres, pinayuhang tapusin na ang pamumulitika

Malungkot na malungkot daw ang isang female star matapos na makausap niya ang isang malapit na kaibigan na nagpayo sa kanyang tapusin na niya hanggang maaga ang kanyang pamumulitika.

Sinabi sa kanyang possible na siyang ma-wipe out sa show business lalo na ngayon at parang lumba-lumba na rin siya. Kung dati ay para siyang isang diyosa sa ganda, ngayon ay lumipas na iyon. Wala rin ang dati niyang backer na “tonggril” na siyang nagpaa­ngat talaga ng kanyang career. Wala na rin siyang backup na network, wala naman siyang malilipatang iba dahil hindi na siya tatanggapin pa.

Ganyan lang talaga ang buhay artista. Hindi puwedeng araw-araw glorya.

GARY VALENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with