^

Pang Movies

Richard, Arci, Claudine, at marami pang iba, malungkot ang kapalaran sa pulitika; Maine tuloy ang pagiging ‘first lady,’ Arjo congressman na

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Proclamation na lang ang hinihintay ni Arjo Atayde. Nanalo siya bilang congressman sa Quezon City (District 1). Kaya tuloy na ang pagiging ‘first lady’ ni Maine Mendoza.

For the second time, malungkot naman  ang kapalaran ng aktor na si Richard Yap na kumandidato sa 1st District of Cebu City bilang kongresista. Hindi uli siya sinuwerteng manalo.

Masaklap din ang naging kapalaran ni Arci Muñoz na kumandidatong councilor ng Rizal.

Ganundin sina Bobby Andrews (councilor, Quezon City); Dennis Padilla, (councilor, Caloocan City); Claudine Barretto (councilor, Olongapo); Angelica Jones (congresswoman of the 3rd district of Laguna) at maging ang beauty queen na si Shamcey Supsup (ARTE Partylist) and Mocha Uson and Michelle Gumabao (Mothers for Change Party-list).

Jinkee, pinapasadiyos na ang nangyari kay Pacman

Proud pa rin si Jinkee Pacquiao kay Sen. Manny Pacquiao na nag-no. 3 sa labanan sa pagka-presidente pero sobrang layo kay former senator Bongbong Marcos na as of presstime ay more than 30 million na ang number of votes.

“My Babe Manny. You’ve taught us and more importantly showed us what is to be a Man Of Faith, a Man of Integrity , a Man who delights and rejoices in the Lord ALWAYS, a Man who commits his way to Him , a man who trusts in the Lord with all his heart. Specially these last few months of intense challenge sa campaign you fought the good fight day and night everyday. . I’m proud to have stood with you every step of the way. Forever!

“I will be still with you before God. .

“Jesus is Lord sa ating buhay and Kung ano man ang role na gusto NG Panginoon para sa iyo na makakatulong sa bansang minamahal natin nandito ako . Love bears all things, believes all things always hopes , always trusts !

“I chose to LOVE WITH YOU . Ang PAGMAMAHAL mo para sa ating BANSA at KABABAYAN , YOUR HEART OF GOLD is something na sobrang precious and rare.

“God is your great rewarder, Babe! I LOVE U !!! “Psalm 37,” ang buong post ni Jinkee.

Hindi madali ang pinagdaanan nila sa kampanya.

Pinag-usapan na diumano’y naubos ang ipon ni Sen. Manny sa kampanya at binebenta raw nito ang bahay nila sa Forbes pero hanggang ngayon naman ay hindi raw nabebenta.

Grabe rin ang naranasang bashing ni Jinkee dahil sa kanyang mga sinusuot sa kampanya.

Until the end ay hindi umatras si Sen. Pacquiao kahit nagbaklasan na ang ibang dating kakampi niya dahil naging disorganized nga raw ang campaign team niya.

ARJO ATAYDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with