^

Pang Movies

May suporta sa panganganak!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinanonood namin ang inilabas nilang video matapos na manganak si Jennylyn Mercado. Ibang-iba ang aura ni Jennylyn, kasi nga maayos ang kanyang panganganak ngayon. Ilang araw bago siya nanganak ay may ipinakita pa siyang video ng magiging nursery ng kanilang baby girl, at dahil baby girl nga dominant ang pink color sa nursery. (Huwag sanang bigyan ng political color).

Iyon daw ay dapat ay staff room sa kanilang bahay, pero ginawa nga nilang nursery sa ngayon dahil kailangan nila.

Nasa tabi niya ang kanyang asawang si Dennis Trillo, nakabantay sa kanya habang siya ay nanganganak. Check-up lang daw sana kaya sila nagpunta sa ospital, eh biglang lumabas na ang bata.

Malaki ang kaibahan niyan kaysa noong unang manganak si Jennylyn na wala halos preparasyon, at ang kasama lang niya ay ang kanyang foster pa­rent, wala noon ang tatay ng anak niya.

Hindi natin maikakaila na at odds sila ng tatay ng panganay nilang anak matapos na tumanggi itong pakasalan siya. Eh ngayon, andyan si Dennis at kasal sila.

Ganoon din naman ang sitwasyon ni Dennis. Halos wala rin siyang partisipasyon nang ipanganak ang kanyang panganay, dahil bago iyon may isyu sila ni Carlene Aguilar. Kaya para kay Dennis masasabi mong first time experience rin niya iyong nakabantay sa panganganak ng kanyang asawa.

Wala silang masyadong detalye tungkol sa kanilang baby, maliban sa ipinanganak nga iyon noon pang April 25.

Ngayon naman kasi hindi na binabantayan ng press iyang panganganak ng mga artista. Hindi kagaya noong araw na ang movie reporter naghahabol talaga sa balita. Ngayon nasanay na lang sila na nakakaharap ang artista kung may pa-presscon ang producers.

Derrick, gustong itulad kay Alden

Sa tuwing may lumalabas na picture si Derrick Monasterio sa internet, nagkakagulo ang fans niya. Sa totoo lang napupuna namin na malakas ang following ni Derrick noon pa, pero hindi nga agad nabigyan ng break.

Ngayon sinalo naman siya ng bagong talent arm ng GMA, ang Sparkle, pero wala pa rin siyang nakukuhang assignment. Hindi pa nabibigyan ng malaking break talaga si Derrick simula nang pumasok sa showbiz.

Nagkaroon siya noon ng isang pelikulang indie pero hindi rin naman sinuportahan ng network. Kuha sila nang kuha sa labas, hindi nila napapansin na marami silang talents na may potential.

Tingnan ninyo si Alden Richards noon, ipinasa na nila sa Eat Bulaga. Nagkataon namang nakuha ng Eat Bulaga si Maine Mendoza, nag-click. Noong big star na si Alden dahil sa AlDub, doon siya nabigyan ng malalaking assignments. Sana ganoon din ang mangyari kay Derrick.

JENNYLYN MERCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with