^

Pang Movies

Sharon at Juday, sabay nag-celebrate ng Wedding Anniv

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sharon at Juday, sabay nag-celebrate ng Wedding Anniv

Wedding anniversary ang laman ng Instagram account ng magkaibigang Sharon Cuneta at Judy Ann Santos kahapon.

Magkaiba nga lang sila ng pictures na inilagay pati na ang caption sa mga ito.

Si Juday, ang labing-walong taon nilang magkasama ng asawang si Ryan Agoncillo ang ipinagmalaki niya.

“2 years na lang. 2 dekada na tayong magkapiling…best decision ever!

“Through ups and downs, back pains and stiff necks…life with you and our little ones, will always be the greatest blessing…I love you with all my heart @ryanagoncillo,” bahagi ng caption ni Juday.

Best wedding anniversary celebration naman ang post ni Shawie sa IG.

Nakapiling ni Sharon at asawang Senator Kiko Pangilinan ang mga naglakad, sumakay ng ro-ro at muling naglakad mula CamSur, Sumilao, Bukidnon at Pampanga upang ipadama ang suporta kina VP Leni Robredo at Senator Kiko.

Bukod sa mga anak, kamag-anak at kaibigang nakibahagi sa wedding celebration nila, nagpasalamat si Sharon sa anniversary blessing na iginawad sa kanila ng pari sa Baclaran church at gayundin sa mga magsasaka.

Bahagi ng caption ni Shawie sa litrato sa IG, “Manalo o matalo man, di namin kayo kalilimutan o pababayaan.”

Lutang na lutang ang kulay na suportado ni Sharon habang sina Juday at Ryan, tahimik lang kung sino ang iboboto.

Happy, happy anniversary sa inyong magkaibigan!

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with