^

Pang Movies

Abdul, kinakaya ang pag-aalaga sa ina!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-trending sa Twitter ang world premiere ng Raising Mamay nina Kapuso Comedy Queen AiAi delas Alas at StarStruck 7 Ultimate Female Winner na si Shayne Sava, with her leading man, StarStruck 7 finalist, Abdul Raman, na very thankful dahil nabigyan muli siya ng chance na magtambal sila ni Shayne after ng first serye nilang Legal Wives.

Naka-relate pala si Abdul sa kanilang serye, dahil kung ano ang pag-aalagang gagawin ni Shayne kay AiAi sa story, iyon ang ginagawa ni Abdul, off-camera sa mommy niya.

“Para pong story ng buhay ko ito,” nasabi ni Abdul. “Ako po ang nag-aalaga sa Mommy ko, after she got cancer at na-confine sa hospital ng ilang weeks. Kami lang po ng mom ko, kaya ako ang naging primary caregiver niya, ako ang nag-aalaga sa kanya, nagpapainom ng gamot, nagpapakain sa kanya. Some relative came to help, pero busy rin sila, kaya nilakasan ko ang loob ko to be able to help her. With the Lord’s help, her health is now improving, kaya tuloy na rin akong nakakapagtrabaho. Kaya blessing po dumating itong Raising Mamay, as a breadwinner, nagtatabi ako sa kinikita ko, para sa medical needs ni Mom. It’s a struggle, but God provides.”

Napapanood ang Raising Mamay daily, 3:25 p.m., after Prima Donnas, sa GMA 7.

WW, finale na

Three nights na lamang at finale episode na ng first suspenserye ng GMA Network na Widows’ Web, pero hindi pa rin matukoy ng netizens kung sino ang talagang pumatay kay AS3 played by Ryan Eigenmann. Sa eksena, sa pagkamatay niya, ang na-accuse  ay si Frank (EA Guzman), at nakulong. May mga nagsabi kung sino sa palagay nila ang killer, pero mali pa rin. Bawat isa kasing character ay paghihinalaang siya ang killer, ang sister ba niyang si Carmina Villarroel, ang wife niyang si Ashley Ortega, ang nakarelasyon niyang si Vaness del Moral, ang stepbrother niyang si Adrian Alandy, ang best friend niyang si Bernard Palanca? 

Finale night on Friday, April 29, 8:50 p.m., after First Lady sa GMA 7.

AIAI DELAS ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with