^

Pang Movies

Kylie, hindi nakapagsalita Sa nangyari sa kanila ni Jake   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kylie, hindi nakapagsalita Sa nangyari sa kanila ni Jake                

Marami ang nag-abang ng pagsasalita ni Kylie Verzosa kahapon tungkol sa rumored breakup nila ni Jake Cuenca sa mediacon ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal ng Viva Films na pinagbibidahan ng aktres kasama si Zanjoe Marudo at Cara Gonzales.

Pero sinabi agad ni Kylie na sana raw ay huwag na siyang tanungin tungkol dito.

Sa simula pa lang nang may magtanong na kung bakit siya napaiyak sa It’s Showtime, sagot ng aktres, “mahirap po kasing i-explain, eh,” simula niya. “At saka, kung okay lang po sana, ano, huwag n’yo na lang tanungin ngayon. Pero gusto ko lang po i-focus ‘yung movie ngayon. Pero sana po, huwag n’yo na lang tanungin.”

Obviously ay hindi pa ready na magsalita si Kylie at inirespeto naman ito ng press kaya hindi na siya kinulit pa.

Pero medyo umalma siya nang matanong kung may nagsabi na ba sa kanya ng “ikaw lang ang mahal” after her failed relationship.

“Hindi ko po talaga siya matatawag na failed relationship,” maikli niyang sagot at hindi na nagsalita pa.

Samantala, ang Ikaw Lang ang Mahal ay unang pagsasama nina Zanjoe at Kylie at parehong puring-puri nila ang isa’t isa bukod pa nga sa nag-enjoy raw sila doing the film.

Mapapanood na sa May 20 ang Ikaw Lang Ang Mahal sa Vivamax mula sa direksyon ni Richard Somes.

Boy Abunda, ginisa si Chiz

Naaliw kami sa mga sagot ng mister ni Heart Evangelista na si Sorsogon Governor Chiz Escudero nang sumalang siya sa Fast Talk ni Boy Abunda sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube.

Isa sa tanong ay “does size matter?”

Sagot ni Chiz, “let’s ask Heart.” Ang lakas ng tawa ni Kuya Boy.

Seriously, sey ng mister ni Heart ay hindi raw mahalaga ang size.

“Tingin ko, hindi. Kasi marami naman akong kaibigan, bagaman hindi ko naman nakita, alam ko, iba-iba ang hugis at haba no’n. Magkakasama pa rin naman sila at hindi naman nagrereklamo ang kanilang mga asawa. At least, sa akin, hindi nagrereklamo.”

Tawa nang tawa si Kuya Boy.

When asked kung ano ang mahalaga, sagot ni Chiz, “hindi ko alam, depende sa tao. Ang mahalaga siguro, nag-iibigan kayo at iniibig mo kung sino man ang katalik mo.”

Sex or wifi?

“Sa sex ako parati sa yugtong ito ng buhay ko,” natatawang sagot ng senatorial candidate.

Sex or chocolates?

“Still sex by far a better expression of love than eating sugar and glucose,” aniya.

Sex or Senado?

“Uy mahirap na ‘yan, ha?” natatawang sabi ni Chiz. “Pwede bang pag-uwi galing senado, sex?”

Hahaha!

Ryza, inaming bukas ang third eye!

Inamin ni Ryza Cenon na mayroon siyang third eye at bata pa raw siya nang malaman niya ito.

“Bata pa po ako, meron na ‘ko talaga (na third eye). And ‘yung dating tinitirhan ko po na townhouse, may time na galing akong work, umuwi ako, natulog ako, and then, tanghali na siya, biglang may mga tao as in madaming sa room ko, ta’s nagtatawanan sila, ganyan-ganyan. Ta’s nagising ako, wala namang tao,” kwento ni Ryza sa virtual mediacon ng millennial horror-thriller movie na Rooftop under Viva Films.

Sa pangalawang tulog naman niya ay tahol daw nang tahol ang kanyang aso, pero paggising niya ay nasa baba naman pala ito at wala sa kanyang room.

Ang pinakamatindi raw ay may sumisipa sa bed niya ilalim na parang ayaw talaga siyang patulugin.

“Hanggang sa may isang bata, hinila ‘yung buhok ko, tumakbo siya. Mga ganu’n. Tapos, ang ginawa ko na lang, sa sobrang gusto ko na talagang matulog, kinausap ko sila. Sumigaw ako na ‘pwede ba, magpatulog naman kayo? Pagod na pagod na ako.’ And then after that, tumahimik na sila,” tsika pa niya.

Samantala, after three years ay balik sa paggawa ng pelikula si Ryza sa Rooftop at sobrang na-miss daw niya ang pag-arte. Ang ikinae-excite pa niya ay sa sinehan ito ipalalabas.

“Sana after this, magtuloy-tuloy na ang trabaho na dumating,” she said.

Kasama ni Ryza sa Rooftop sina Marco Gumabao, Rhen Escaño, Marco gallo, Ella Cruz, Andrew Muhlach and Epy Quizon mula sa direksyon ni Yam Laranas. Showing na ito sa April 27 exclusive sa SM Cinemas.

KYLIE VERZOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with