^

Pang Movies

Zanjoe, walang balak sa pulitika  

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Don’t look now but actor Zanjoe Marudo na isa sa puwedeng ituring nating magaling na actor sa kasalukuyan, might branch into directing for a change.

Sobrang empressed daw siya kay Bela Padilla, nang makatrabaho niya ito sa pelikulang 366, both as co-actor at director.

Ang galing daw ni Bela in both genre. Surprisingly daw, kahit first time both nilang magkatrabaho, walang ilangang namagitan sa kanila. E, ligawan? “Wala rin,” mabilisang sagot ni Zanjoe. “Pero, usapan naming madalas magkita, para  may lalong matutuhan ako sa kanya.”

Eh, ligawan? Wala kayang relasyong ma-develop between them? “Well,” sagot ni Zanjoe. “Hindi inililihim ni Bela na strong to the max ang relasyon nila ng kanyang Swiss boyfriend na si Norman Ben Bay.” Norman is based in Italy.

Of politics, hindi pa raw ito kasama sa plano ni Zanjoe. Lalo’t sa kasalukuyan.

Politics daw might happen. Who knows.

A true Batangenyo, he is from Tanauan. Kabibili lang niya ng rest house, kung saan enjoy silang mag-anak  na nagbabakasyon madalas.

Ang tagal na nang huling ma-link siya kay Bea Alonzo, now karelasyon ni Dominic Roque.

Mclisse ‘di ma-imagine na maghihiwalay!

Hindi raw ma-imagine both nina McCoy de Leon at Elisse Joson na hindi sila ‘habangbuhay’ na magkasama, lalo ngayong one year old na ang kanilang baby daughter, si Felize.

They were an ideal pair when they attended the presscon digitally ng kanilang team-up, bagong production ng VivaMax na magsisimula sa April 22.

And to repeat, titled nito Habangbuhay. Direction: Real Florido.

Vic, nangangamoy panalo ang mga Kapamilya

To the max ang suwerteng naghihintay kay Vic Sotto, lalo’t if, mag-emerge winners lahat ng mga kumakandidatong mahal niya sa buhay ngayong darating na election.

Unahin natin ang panganay niyang kapatid, si Senate President Tito Sotto, na puwedeng manalong Vice President.

And there is, of course, si Gian Sotto, na malaki ang pag-asang manalong muli bilang Quezon City Vice Mayor.

He is the running mate ni reelectionist QC Mayor Joy Belmonte, kabilang sa pamilya ng nagmamay-ari ng No. 1 publication ng bansa, PhilStar Media Group.

Vice Mayor Gian’s Mom of course, is former popular actress and dance queen, Helen Gamboa.

Gian’s Dad is Vice Presidentiable Tito Sotto.

And no need to tell you na napakatindi ng pag-asang muling mare-reelect si Pasig City Mayor Vico Sotto, the seating Mayor ng popular na siyudad sa kasalukuyan ng Metro Manila, Pasig. Dad of course ni Mayor Vico si Vic. At ang mother naman niya ay ang maganda, mabait at matalinong aktres na si Coney Reyes.

ZANJOE MARUDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with