^

Pang Movies

Pinasisikat na matinee idol, bida sa party ng mga bading  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung ginulat kayo ng revealing photos noong mahal na araw ng isang male star, baka mas masindak kayo sa nababalitang video daw ng isang baguhang matinee idol. Ang kakatuwa pa, ang sinasabing kasama niya sa sex video ay isang boy, at ang matinee idol ang siyang “girl” sa video. Nakunan daw iyon sa isang private party ng gays.

Wala namang masama kung bakla siya, pero kailangang isipin niya ang kanyang kalagayan. Pilit siyang bini-build up bilang matinee idol, eh kung kumalat na nga ang ganyang video, di sayang naman ang puhunan ng network na umasang mapapasikat siya. Hindi pa raw masyadong kalat ang video dahil “ibinebenta” pa. Pero hindi magtatagal iyan. Tiyak may makakabili na i-a-upload iyan sa social media, at iyon na ang katapusan ng kanyang career.

Heart, may urbanidad sumagot sa bashers

Kung minsan, na minsan ay napapadalas, nakakalimutan natin na hindi tayo dapat nakikialam sa buhay ng may buhay. Bagama’t ngayon ay nagkaroon tayo ng pagkakataong magsalita sa kahit na anong bagay sa pamamagitan ng social media, dapat pa rin nating isipin ang tamang urbanidad, ang kagandahang asal, na hindi lahat ay pakikialaman natin. Nakatikim na ang isang desperado sa kapatid ng isang aktor, gusto ba ninyong mangyari rin sa inyo iyan? At kung mangyari, iba-block ninyo?

Halata rin naming medyo nainis na si Heart Evangelista sa isang taong hindi naman niya kilala. Binungaran ba naman siya na “dapat magpa-IVF ka na” para magkaroon na ng anak ang aktres.

Eh ano nga ba ang pakialam niya eh kung gusto ng mag-asawa na magkaroon sila ng anak sa normal na pamamaraan. Pareho naman silang may kakayahang magkaroon ng anak. At ang pagkakaroon ng anak, hindi mo maitatakda iyan. Kung kailan ka bigyan ng Diyos saka darating iyan at hindi mo mapipigil.

Ang marites na nakikialam, alam ba niya kung magkano ang gastos ng IVF. Alam din ba ninyo kung ano ang epekto niyan sa kaisipan ng bata paglaki niya, at malaman na itinurok lang siya sa sinapupunan ng nanay niya dahil binuo siya sa laboratoryo? Ang karaniwang gumagawa niyan ay iyon lamang mga bakla o tomboy na nag-iilusyong may anak nga sila, na nabuntis nila ang kinakasama nila kahit na sa totoo lang ay mayroong “sperm donor,” ibig sabihin hindi rin sa kanila ang semilya. Kung hindi naman ay ‘yung talagang matatanda na gustong magkaroon ng anak. Eh bata pa naman si Heart, may kakayahan naman si Governor Chiz Escudero, bakit nga ba ninyo pinakikialaman. Pero si Heart, umiral pa rin ang pinag-aralan eh, kaya kahit na diretsong sinabi niyang huwag siyang pakialaman, magalang pa rin ang pagkakasabi.

Rufa Mae, ‘di kinayang talikuran ang dating ginagawa

Nagbalik pala si Rufa Mae Quinto sa GMA 7. Ang GMA naman talaga ang nagpasikat sa kanya. Nagsimula iyan sa That’s Entertainment ni Kuya Germs, at mula roon nakilala siya bilang isang komedyana. Hindi naman maikakailang maganda at sexy si Rufa Mae, na sinamantala ng iba nang pagawin siya nang pagawin ng sexy films.
Hanggang nagpahinga muna siya sa kanyang career at lumagay sa tahimik. Pero mahirap iwanan ang pagiging isang artista, at ngayon nga nagbabalik siya sa GMA ulit.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with