^

Pang Movies

Anak ni Rachelle sa Dubai nag-first birthday!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Anak ni Rachelle sa Dubai nag-first birthday!             

Nag-turn 1-year old na pala ang first-born ni Rachelle Ann Go na si Lukas noong nakaraang March 26.

On Instagram, nag-share si Rachelle ng series of photos ni Lukas at ang first birthday cake nito. “Our little Lukas turned 1 last week in Dubai! It’s been a huge blessing to have you in our lives this past year. Mama & Papa love you so much!” caption pa ni Rachelle.

Nasa Dubai si Rachelle dahil naging panauhin siya sa EXPO 2022 Dubai. Kasama rin sa Dubai ang mister niya si Martin Spies dahil sinabay na rin nila ang magbakasyon doon.

Last January ay first time na dinala ni Rachelle si Lukas sa Pilipinas para makapagbakasyon at kasama ang pamilya.

Mukhang enjoy sa pagiging mommy si Rachelle dahil wala itong napo-post sa social media ng mga pagkakaabalahan niyang trabaho sa mga susunod na buwan.

Ngayong April naman ay mag-celebrate ng ika-4th wedding anniversary sina Rachelle at Martin.

Jessica, nadagdagan ang confidence sa Dubai

Unforgettable para kay The Clash Season 3 champion Jessica Villarubin ang first show niya abroad sa Dubai kasama sina Julie Anne San Jose at Xian Lim.

Nakakatuwa raw ang mainit na pagtanggap sa kanila ng maraming Pinoy sa Dubai na nasabik sa mga Pinoy performers after two years sa pandemic.

“Napakasaya as in! Nung una kinakabahan ako sa magiging reaction ng mga tao. Pero kapag nandoon ka na at makikita mo ‘yung mga tao na pumapalakpak, ‘yung confidence mo ma-pu-push talaga. Ang ganda sa feeling talaga,” sey ni Jessica.

Sa naging Meet-and-Greet nila, maraming mga kababayan ni Jessica na taga-Cebu ang nagkagulo sa kanya.

Nakapamasyal din ng kaunti sa Dubai sina Jessica, Julie Anne, at Xian at nakita ang ilan sa mga tourist spots sa lugar.

vuukle comment

RACHELLE ANN GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with