^

Pang Movies

Boy Abunda, may paalala sa eleksyon!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang pride ng Borongan, Eastern Samar na King of Talk – kung saan siya pinanganak at namulat – Boy Abunda – ay nagbuhos ng oras at lakas para tulungang umunlad ang Samar at mga karatig probinsya. Pero aminado siyang hindi niya ito kayang gawin na mag-isa.

Noong 2019, napukaw ng Ang Probinsyano Partylist ang atensyon ni Kuya Boy dahil sa kanilang track record sa pagsusulong ng development sa rural areas, lalo na sa mga sulok ng Pilipinas.

Masugid niyang inantabayan sa nakaraang tatlong taon ang mga nagawa ng partylist na ito para masigurong totoo ang adbokasiya nila.

At hindi naman nabigo si Kuya Boy, sapagkat napatunayan naman nila ang kanilang dedikasyon noong nagawa nitong pangunahan ang pagtulong sa mga liblib na lugar nitong panahon ng pandemya, habang patuloy na tinututukan nito sa Kongreso ang pagkakaroon ng libre at dekalidad na edukasyon; mas maraming infrastructure at mas malawak na social services para sa ating mga probinsyano; at pati na rin ang mas pinaraming oportunidad at ayuda para sa mga magsasaka, mangingisda, mga lokal na manggagawa, at iba pang maliliit na negosyo.

Kaya naman walang alinlangang tinanggap ni Kuya Boy ang imbitasyon ng party-list na maging tagapayo at maging bahagi sa pagbibigay atensyon sa mga nakakaligtaang sektor ng lipunan.

“Nung nakilala ko na finally si Congressman Afred delos Santos, (first nominee ng Ang Probinsyano), na-recognize ko agad ang pagkakamukha ng aming mga pangarap para sa ating mga probinsya. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Apid, I’m impressed with what Ang Probinsyano has done for our fellow promdis around the country in so short a time, and with the pandemic complicating everything. So here I am – ready and willing to help Ang Probinsyano carry on its promise toward better provinces across the country, ergo, a better Philippines.”

Ang ikinababahala lang ni Kuya Boy ay nagiging masyadong nakakalito ang proseso ng partylist election, ngayong merong mahigit 165 na partylist ang tumatakbo para sa Kongreso.

“Sa dami nila, nakakalito talaga para sa ating mga kababayan kung alin ang pipiliin nila, lalo na’t ini-raffle na rin ang numero ng bawat isa sa balota,” paliwanag ng bantog na showbiz personality at philanthropist. 

“Kaya ako, umiikot talaga ako ngayon para siguraduhin na alam ng mga tao na No. 50 ang Ang Probinsyano sa balota. ‘Wag silang malilito, lalo na sa mga grupong katunog lang din o para bang ginagaya lang ang pangalan natin.”

Ikinagagalak din ni Kuya Boy na makita ang iba pang mga kilalang artista – na gaya niya ay napamahal na rin at pinili ang buhay probinsyano – na nakikiisa sa paghihikayat sa pagpili sa #50. 

“Kasama na namin si Piolo (Pascual), siyempre nandyan din si JM de Guzman, isang napakabait na bata at napakagaling na aktor at ang bagung-bagong volunteer ng grupo na social media sensation, si Donnalyn Bartolome,” pahayag pa ni Kuya Boy. - Kimberly V. 

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with