^

Pang Movies

Sheryl, ayaw paniwalaang loveless  

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Bumabalik daw, Salve A., sa alaala ni Sheryl Cruz ang kanyang teen years as an actress tuwing nakakaeksena niya ang mga kabataang sina Sofia Pablo, Althea Ablan at Jillian Ward, na pawang gumaganap na kanyang mga ward sa Prima Donnas.

Tulad ng mga ito, na pawang may ka-love team na, of course, mga kaedad nila, she, too, in her time had a ka-love team.

Remember Romnick Sarmenta?

Sobra ang naging closeness nila, so much so, a number of their following, especially, thought it was just a matter of time, and the two of them will end up together for life.

Which didn’t, of course, happen, we all know.

Hindi artista, kung hindi taga-ibang bansa pa man din, ang father ng ama ng anak ni Sheryl na si Ashley.

After years of staying in the US, nagbalik Pilipinas si Sheryl.

She will turn 48 on April 5.

Bahala kayo kung paniniwalaan n’yo ang kanyang claim na, at the moment, loveless siya.

Aubrey at Troy, hindi na priority ang showbiz

In fairness, ang ganda at sexy pa rin ni Aubrey Miles.

Hindi mo aakalaing may binata na siyang anak with a former karelasyon. And with current partner, Troy Montero, dalawa ang kanyang anak na parehong binatilyo na.

Nearly 20 years na silang nagsasama, happily raw ha, pero ngayon lang sila magpapakasal. Yes, after 18 years.

And they are no longer aktibo sa showbiz tulad ng dati, namimili na sila ng project.

As they can afford na nga.

May maganda silang negosyo, na involved somehow ang kanilang mga anak.

Patingin nga ng engagement ring mo, Aubrey.

Lovi, magdidirek na rin?!

Ginamit na ni Lovi Poe ang suggestion ng mga hangang-hanga sa kanya dahil konsepto niya ang upcoming film with Carlo Aquino, Seasons, Reasons And a Lifetime.

She herself wrote the story, na siya rin ang bida.

Lourdes Virginia ang real first name ni Lovi, as she was born Feb. 11, the Feast day of Our Lady of Lourdes.

Virginia? No need to explain why.

And why Poe, too?

Lovi’s mom was then budding star Rowena Moran.

Contract talent na ngayon ng Kapamilya network si Lovi.

Will Lovi eventually use another name (or, pen name, sa practiced by most journalists), tulad ng kanyang ama kung sakaling pasukin naman niya ang pagdidirek?

Widely known as Fernando Poe Jr., the King of Philippine Movies, his real name was Ronald Allan Poe.

He adapted the name Ronwaldo Reyes (Ronwaldo, meaning Ron of the world) and Reyes (for the late Efren Reyes, his first and favorite director), meaning ‘heaven.’

SHERYL CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with