^

Pang Movies

Jeric, naghihintay sa pagbabalik ng minamahal

Dianne Canlas - Pang-masa
Jeric, naghihintay sa pagbabalik ng minamahal

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng versatile Kapuso actor na si Jeric Gonzales ang nilalaman ng kanyang puso sa kanyang latest single mula sa GMA Music, Hihintayin Kita, na mapapakinggan na sa streaming platforms sa buong mundo.

Mula sa direksyon ni direk Louie Ignacio, ikinuwento sa music video kung paano natitiis ng isang tao ang maghintay sa kanyang minamahal nang dahil sa lubos na pag-ibig.

“Hihintayin Kita is a song about waiting for someone you love, and you are hoping that someday that person will come back to you. It’s all about unconditional love, how time will make a way for you to find it and finally have it,” pahayag ni Jeric, habang nilalarawan na ito ang tamang kanta para sa mga taong naghihintay sa pag-ibig– maging sa tamang oras o tamang tao man.

“Have faith in love and in time, because if you really want and love someone, whatever happens, that person will always come back to you, no matter the circumstances, love will find you at the right time,” dagdag ni Jeric.

Ang nasabing kanta rin ang theme song para sa Broken Blooms, na kaisa-isang Pinoy Film na napiling ipalabas para sa 41st Oporto International Film Festival sa Portugal, na pinagbibidahan nina Jeric, Therese Malvar at Royce Cabrera.

“I feel super blessed, and I am so thankful to Bentria Productions, producer Engr. Benjie Austria, our great director Direk Louie Ignacio, creative producer Ferdy Lapuz, our line producer Dennis Evangelista, all the cast, and the whole team. Direk Louie is an amazing director. He will inspire you to have good work ethics as he brings out the best in you. I have been dreaming of this for a very long time, to have a film that will be in a prestigious international film festival, and I hope that the talents of the Filipinos in the film industry will be recognized more in the international scene,” sey ni Jeric.

Ilulunsad ang Hihintayin Kita sa All-Out Sundays sa March 20 at maaari nang mapakinggan sa digital platforms worldwide.

Vance, itutuwid ang pagkakamali

Itinuwid na ni Archie (Vance Larena) ang kanyang pagkakamali at ibinigay na niya ang ebidensya na nagpapatibay na rapist si Jigs (Markus Paterson) kay Troy (Jake Cuenca) sa Viral Scandal.

Hindi nga kinaya ni Archie ang pag-iwan sa kanya ni Ella (Aya Fernandez) pagkatapos nitong malaman na tinulungan pa niya si Jigs na maabsuwelto sa mga kaso nito. Tingin niya na sa pagbibigay niya ng ebidensya sa kampo ni Rica (Charlie Dizon) ay makakatulong siya sa kaso at para na rin mapatawad siya ng kanyang girlfriend. 

Sumakto naman na kasama ni Troy sina Kakay (Dimples Romana) at Dan (Miko Raval) nang inabot ni Archie ang ebidensya. Pinapunta nila si Rica sa opisina ni Atty. Dizon (Ria Atayde) para matingnan at mapag-usapan kung ano ang gagawin nila sa ebidensya.

Hindi naman makapaniwala si Rica na may mga ganoong tao tulad nila Jigs at ng kanyang mga kaibigan na nagawang bastusin at paglaruan ang mga babae na walang kaalam-alam sa pinaggawa nila. Makumbinsi kaya nina Rica at Atty. Dizon ang mga babaeng magsampa ng kaso laban kay Jigs?

Samantala, mapapanood ngayong Miyerkules (Marso 16) ang spin-off chapter ng kapatid ni Rica na si Bea (Karina Bautista) at ni Pogs (Aljon Mendoza). Malalaman na ng publiko kung ano ba ang simula ng mala-aso’t pusang relasyon ng dalawa sa storya.

JERIC GONZALES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with