^

Pang Movies

Pokwang, lagare!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Pokwang, lagare!            

Ang sipag-sipag naman ni Kapuso actress-comedian Pokwang. Hindi lamang pala siya busy sa paggi-guest sa mga show sa GMA Network, drama man o comedy, bukod pa sa regular siyang napapanood every Saturday sa Pepito Manaloto, Ang Tunay Na Kuwento,  every Sunday naman sa All-Out Sundays,  at ngayon nga ay katatapos lamang niyang mag-show sa Dubai Arena in UAE.  Bumalik agad siya sa bansa, dahil today ay may virtual mediacon ang first ever Kapuso drama series niya, ang second episode ng Mano Po Legacy: Her Big Boss, A romantic-drama series, gagampanan ni Pokwang ang role ni Becca Pacheco, a devoted single mom, at makakasama niya sina Bianca Umali, Ken Chan, Kelvin Miranda, ang nagbabalik-Kapuso na si Tee Jay Marquez,  Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Arlene Muhlach at ilan pang Sparkle GMA Artists.

Magkakaroon na ng world premiere ang Mano Po Legacy: Her Big Boss simula sa March 14, sa GMA Telebabad.

Bukod sa bagong serye ni Pokwang sa GMA, may cooking show din siya sa CH. 2 @CignalTV, ng fresh episodes ng Kusina ni Mamang na magpapakita siya kung paano lutuin ang mga malinamnan na pagkaing Pinoy, simula sa Saturday, March 12.

Budget ni Benjamin, ‘di kinaya ang condo ni Carla

Tuloy ang pagbebenta ni Kapuso actress Carla Abellana ang kanyang posh condominium unit at The Grove by Rockwell in Pasig City. Kasama sa selling price ang lahat ng furniture and the parking space na umaabot ng one million pesos.

Post ni Carla sa kanyang Instagram, “you can rent this beautiful property. And yes, everything you see inside the condo unit comes inclusive. It’s fully (and excessively) furnished. If they are not your type, then go ahead and sell them to make money. It’s totally up to you.”

Natingnan na pala ito ng kapwa Kapuso niya na si Benjamin Alves, pero hindi raw kaya ng budget niya ang price.  

Rayver, inuna si Kylie

Last Sunday ay hinahanap ng viewers si Kapuso actor/dancer Rayver Cruz, na eversince ay regular na napapanood sa All-Out Sundays, na partner ni Julie Anne San Jose. Iyon pala ay naka-lock-in taping si Rayver ng bagong teleserye niya sa GMA, ang sports-drama series na #Bolera, kasama sina Kylie Padilla at Jak Roberto.

Isang billiard prodigy si Kylie, kaya talagang nag-ensayo muna siyang maglaro ng billiard bago siya pumasok sa lock-in taping.

Hindi ito ang first time na magtatambal sina Kylie at Rayver, una silang nagtambal sa isang horror film, ang Dilim. Nagbabalik naman si Kylie sa paggawa ng teleserye sa GMA, after TODA, One I Love in 2019.

Very soon ay mapapanood ang #Bolera sa GMA Telebabad.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with