^

Pang Movies

Zsa Zsa at Conrad, itutuloy na ang kasal?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Zsa Zsa at Conrad, itutuloy na ang kasal?!

Walong taon na ang relasyon ng mag-partner na Zsa Zsa Padilla at ang arkitektong si Conrad Onglao although there was a time ay nagkahiwalay ang dalawa only to reconcile later on.

During the early part ng kanilang relasyon ay lumabas ang balita na sila’y magpapakasal sa Venice, Italy pero hindi na ito natuloy kahit pareho na silang libre sa kanilang previous marriages.

Si Architect Conrad ay matagal nang annulled ang kasal sa kanyang unang wife, ang kilalang interior designer na si Ivy Almario, ina ng kanilang dalawang anak na parehong lalake at napawalan na rin ng bisa ang kasal ng Divine Diva sa kanyang unang mister na si Dr. Modesto Tatlonghari, ama ng singer-actress-host na si Karylle.

Zsa Zsa was also into a long relationship with the late comedy king, Dolphy at tumagal ang kanilang relasyon ng 23 years.

Dolphy never married anyone sa kanyang mga nakarelasyon. Plano na sana niyang pakasalan noon si Zsa Zsa pero natagalan ang annulment process ng kasal ng singer-actress sa kanyang dating mister hanggang magkasakit ang ace comedian at pumanaw.

Dolphy and Zsa Zsa had two daughters, ang kanilang adopted daughter na si Nicole Quizon at biological daughter na si Zia Quizon, ang longtime girlfriend ng panganay na anak ng estranged couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin Nievera.

Sarah at matteo, ayaw pang magka-baby

May magkasunod na celebration ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo nitong nakaraang Pebrero at ngayong Marso.

Last Feb. 20 ay nag-celebrate ang celebrity couple ng kanilang second wedding anniversary at nung Martes, March 1, ay 19th anniversary ni Sarah sa showbiz since she won bilang grand winner ng reali­ty singing competition na Star For A Night nung 2003 kung saan si Mark Bautista ang second prize winner.

Magmula nang si Sarah ang tanghaling grand winner ng Star for A Night ay simula na rin ng pagbabago ng takbo ng kanyang career at ng kanyang buhay maging ang buhay ng kanyang pamilya.

Although dalawang taon nang mag-asawa sina Matteo at Sarah, mukhang wala pa rin sa kanilang immediate plans ang pagkakaroon ng baby. Hindi rin ma­linaw kung matutuloy pa ang plano nilang magkaroon ng malaking wedding where they plan to have their respective families and friends in attendance.

Ngayong maluwag-luwag na ang working condition sa Pilipinas, malamang na maging busy muli ang mag-asawang Matteo at Sarah sa kanilang respective careers.

Marami rin ang nagtatanong kung kelan daw babalik si Sarah sa ASAP Natin `To dahil nami-miss na siya ng kanyang fans.

Sa nakikita ngayon sa mag-asawa mukhang ini-enjoy muna nila ang isa’t isa habang wala pa silang baby.

Samantala, may isa pang petsang ise-celebrate ang mag-asawa. Ang nalalapit na kaarawan ni Matteo, his 32nd birthday on March 26. Tiyak na may special birthday gift sa kanya ang kanyang misis na si Sarah na nahihilig ngayon sa pagbi-bake.

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with