^

Pang Movies

Barbie at Cesar, ‘di nagkakilala  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Barbie at Cesar, âdi nagkakilala             

How sad, Salve A., na hanggang sa pagtatapos ng kanilang relasyon, hindi raw na-meet ni Barbie Imperial si Cesar Montano, father ni Diego Loyzaga.

Kung sabagay, mabuti na rin nang wala na silang alaala, lalong masakit, tungkol sa isa’t isa.

Bea, naunahan ni Dominic sa virus

Grabe talaga, Salve A., ang COVID-19. You have no idea when it will hit.

Sa kaso ni Bea Alonzo, halimbawa, all prepared na siya for an endorsement shoot when she felt she had “it.”

Mabuti na lang daw, she survived kaagad. And there was boyfriend Dominic Roque to look after her. Mabuti raw at naunang mag-survive from the virus si Dominic.

Iba nga naman kapag may “karamay” kang nagmamahal, at minamahal.

Jessy at Luis, handa nang magpamilya

Type ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano na magkaanak na.

Hindi dahil gusto nilang pagbigyan ang matagal nang hiling ng mommy ni Luis, the Star For All Seasons Vilma Santos-Recto, na bigyan na siya ng dalawa ng apo, but because both sina Luis at Jessy feel they need to start a family of their own.

Bagama’t ikinasal sila noong April last year, they have been together for years.

Kaya, expect natin si Jessy na magbuntis ngayong 2022.

Ruffa, puwedeng PR ni Herbert

Labis na na-appreciate lalo raw ni Annabelle Rama si Herbert Bautista dahil ito pala ang nag-encourage sa kanyang panganay na si Ruffa Gutierrez na tapusin nito ang kanyang pag-aaral.

Well, in July this year, tatanggapin na ni Ruffa ang kanyang diploma sa Masscom.

Hindi pa raw alam ni Ruffa kung saan at kanino siya magtatrabaho, pero ang tiyak, makakatulong siya sa kandidatura ni Herbert, who, we all know, is running for senator sa darating na election.

She can do PR (Public Relations) work for Herbert, while at the time writes press releases for him, ‘di ba?

Tama ba, Annabelle?

Angel, may kampanya sa mga boboto

Nakakatuwa naman si Angel Locsin to encourage voters to this coming elections.

As she said, as citizens of the country, we have to vote, we have the right to vote.

In fairness kay Angel, wala siyang particular candidate na i-encourage i-vote.

Ang bilin niya lang, vote for those we think ay makakatulong talaga sa ating bayan at taumbayan.

Ikaw, Salve A., may listahan ka na ng mga iboboto mo?

BARBIE IMPERIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with