^

Pang Movies

Ate Vi, gulat sa lakas ng kanyang vlog!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, gulat sa lakas ng kanyang vlog!           

Tuwang-tuwa si Vilma Santos dahil in a span of five days, umabot sa mahigit na isang milyon ang views ng kanyang vlog.

At wala siyang guest sa nasabing episode pero kasama niya ang dalawang anak na sina Lucky at Ryan habang sila ay nagkukulitan.

“Nasanay kasi ako sa TV, noong araw hindi puwede ang ganyan. Kailangan malakas ang guests mo dahil naghahabol ka ng ratings. Noon pag mahina ang guests, extra effort ako. Kailangan hindi lang opening ang production number.

“At ang dapat na ini-interview mo sikat din, other­wise kailangan medyo kontrobersiyal ang subject. Kasi basta ang kinausap mo sa show ay sikat tapos medyo kontrobersiyal pa ang subject tiyak na ratings na iyon,” pag-alala ni Rep. Vi.
Pagbabalik-tanaw pa niya na pati sa backdrop ng bawat segment concerned ang staff niya noon.
Kailangan kasi maganda ang visuals sa bawat segment. Hindi puwedeng
paulit-ulit ang backdrop na tinatrabaho raw talaga ng art director ng show.

Kaya ayon kay Ate Vi, gulat siya ngayon na kahit hindi kasing ganda ng decorated sets noon puwede na ngayon. Ang palagay niya saturated na sa drama ang mga manonood kaya iba naman ang hinahanap ng mga ito.

“At mas madaling gawin ang vlog ha, hindi mataas ang cost of production,” chika pa ni Ate Vi na siguro nga rin ay hinahanap na talaga siya ng viewers kaya enjoy siyang panoorin sa kanyang vlog.
Pero paano nga ba siyang naenganyong mag-vlog?

“Wala akong planong mag-vlog. I know Luis is doing his own vlog, pero naging curious ako noong ma-interview ako noon ni (the late) Raymund Isaac. He has to come back several times at ilang vlog nga ba iyong ginawa niya na ilang oras ang haba. At nagulat ako dahil ganoon karami ang nano­nood,” sagot niya.
Isa pang nagustuhan niya ay habang nanonood ang fans, puwede silang magbigay ng feedback. “You don’t have to wait for the ratings.”

Sa ngayon, sa vlog daw muna siya dahil na-e-enjoy niya raw talaga itong gawin.

Sunshine, excited sa bagong career ng anak

“In a few days, may surprise si Angelina for all,” sabi ni Sunshine Cruz patungkol sa kanyang anak. Hindi sinabi ng aktres kung ano ang sorpresa ng kanyang magandang panganay pero may suspetsa kaming iyon ay may kinalaman sa career nito.

Isang singer, at nag-aartista na rin ngayon si Angelina. Talaga namang maganda ang boses ng dalaga niya. Cruz iyan, at kung natatandaan ninyo, si Sunshine man ay naging recording star din sa OctoArts
noong araw at naging hits ang ilan sa mga kanta niya.

Narinig din namin ang unang kanta ni Angelina, at mahusay naman ang pagkakagawa noon.
Kaya abangan natin kung ano ‘yung sinasabing sorpresa ni Sunshine ng kanyang panganay.

Fly by night video creators, nilalait ang legit bold movies

Isa sa mga kalaban ng bold movies na ipinalalabas ngayon sa internet ay ang mga fly by night video creators na nagpapakita rin ng mga kahalayan sa internet. Pero kung ang bold movies ay may istorya pa maski na papaano, ang ginagawa ng mga
fly by night ay sex acts lang mismo.

May isa pa kaming nakita na nanira pa at sinasabing “ang makikita lang ninyo sa mga artista ay prosthetic private parts, samantalang sa amin, harapan, maliwanag at totoo” pagyayabang pa nang bumida sa nasabing malaswang vide.

Ang mga director ng pelikula ng internet, ayaw pang magkaroon ng classification system sa kanila. Eh kung ganyan na may fly by night video creators, ano ang laban nila.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with