^

Pang Movies

Mental health problem, nakakaalarma na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mental health problem, nakakaalarma na

Alarming talaga ang mental health issue. Sa bilis kasi ng panahon hindi maka-adjust ang utak ng tao.

Saka ang iba hindi masabayan ‘yung reality ng buhay dahil mabagal ang emotional growth nila.

May moments kasi na biglang mag-black out ka dahil sa frustrations, sadness, at depression.

‘Yung moments na hindi mo alam kung paano haharapin ang problema, na para bang mas mabuti pa na wala ka na lang. ‘Yung paggising mo sa umaga itatanong mo sa sarili, isa na namang walang kuwentang araw sa buhay ko, bakit pa ba ako nagising?

Kung minsan kasi nga, walang motivation sa buhay mo, parang walang nangyayari, kaya parang hindi na exciting mabuhay pa.

Pero nakapagtataka na mga bata pa ang madalas na nag-suicide ngayon.

‘Yung ang haba pa ng journey sa buhay, ‘yung marami pang exciting na magaganap sa buhay nila. Gaya nang nag-suicide na beauty queen na 30 years old pa lang, isang lawyer na maganda ang career sa hosting, bakit nag-suicide?

Ano ang mabigat sa buhay niya na hindi niya kayang dalhin?

Very alarming, na kahit ‘yung inaakala mong buo na ang pagkatao, matalino, wala kang nakikitang problema niya, mag-suicide at tatalon sa mataas na building.

Life is short, at mahiwaga. Kaya ‘pag hindi mo kinaya, tatapusin mo. ‘Yung feeling of frustration na iyon ang hindi natin dapat ma-experience, dapat nating iwasan.

Dagdagan natin ang dasal, at lagi tayong maghanap ng motivation sa buhay.

MENTAL HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with