Probinsyano ayaw mag-replay, tuloy ang taping!

Talagang tuluy-tuloy ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano kahit pa nga takot silang lahat dahil sa Omicron. Kasi nga ayaw nilang mag-replay dahil talagang hanggang ngayon solid ang followers ng Ang Probinsyano.

Ang suwerte nga ng serye ni Coco Martin dahil talagang walang hinto ang trabaho. Ang suwerte rin ng character ni Lorna Tolentino dahil hanggang ngayon kasali pa rin.

Hanga na ako sa utak ni Coco dahil tingnan mo lang kung gaano na kalayo ang narating ng Probinsiyano. Nanganganak bawat eksena, at nadaragdagan naman ang followers nila bawat araw.

Brilliant ang utak mo Coco para makaisip ka ng tuluy-tuloy ng ganun katagal. Na talagang para maging exciting, kailangan may bago tuwing magtatapos ang bawat episode.

Pinakamatagal na siguro na aandar na serye ang Ang Probinsyano. Hindi ako magtataka kung diyan na magkaroon ng asawa at mga anak si Coco.

Mga Partylist, sinusuyod ang mga probinsya

Grabe rin pala ang pagod ng partylists na kandidato ngayon. Talaga palang sinusuyod nila ang halos lahat ng probinsya, nagpapakilala sa leaders at talagang mas hirap pa sila dahil sa rami ng partylist ha.

Ilan ba ang kilala nating nasa partylist? Andiyan si Brian Yamsuan, Bryan Revilla, Alfred de los Santos, and Ronnie Ong. ‘Yung iba pa na nabibigla na lang tayo kasali pala sa partylist. Lumilibot pala sila sa buong Pilipinas, talagang gumagasta rin para makuha ang boto ng mga botante dahil hindi naman sila ganun kakilala. Nalimutan ko pa si Jayke Joson na kasali rin pala sa partylist. Ganun pala karami ang lumalaban para sa posisyon ng congressman thru party­list. Bongga ha.

Hay naku, talagang election time na, libut-libot na sila, grabeng pagod lalo pa ngayon na may pandemic at kung minsan may issue sa transpo, kahit sa airlines at barko. Pagod talaga para lang sa boto.

Show comments