^

Pang Movies

Igan, babalik na sa trabaho   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Igan, babalik na sa trabaho            

Nagpasalamat si broadcaster Arnold Clavio sa lahat ng mga nagdasal at nagbigay ng mga mensahe at nangumusta sa kanya pagkatapos niya at ng wife niya na gumaling sa Omicron variant ng COVID-19. Pero kung may mga nagdasal para sa kagalingan nila Igan, hindi pa rin nawala ang bashers niya. Panalangin naman ang sagot niya: “Sa mga umasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay. Nawa’y hindi ninyo maranasan ang nararanasan ngayon ng marami sa Pilipinas at sa buong mundo. Kalakip ang kaliwanagan ng isipan at mabatid na tayong lahat ay may pananagutan sa piling Niya.”

Tinatapos na ni Igan ang quarantine niya at hinihintay na ang pagbabalik niya sa work niya ng mga kasama niya sa mga programa sa GMA News & Public Affairs.

Beauty, nagpasalamat

Isa pang actress na very thankful sa co-actors niya at sa director niya ay ang new Kapuso leading lady, si Beauty Gonzalez, na napapanood ngayon sa GMA Telebabad na I Can See You: AlterNate. Puring-puri ni Dingdong Dantes si Beauty dahil hindi raw biro ang pag-arte ng leading lady niya dahil, dual role siya, so she has to deal with two different person, si Nate at si Michael.

“I’m so happy, and I feel so lucky naman na I got two Mr. Dingdong Dantes, so I’m very happy,” sagot naman ni Beauty. “Double ang excitement ko, kasi nga nakatrabaho ko siya. He’s very easy to work with, napaka-professional, maalaga at maga­ling na actor, ganoon din na first time kong nakatrabaho sina Direk Ricky Davao at si Ms. Jackie Lou Blanco. Kaya thankful ako sa GMA na isinama ako sa seryeng ito.”

Napapanood ang I Can See You: AlterNate, 8:50 p.m., sa GMA 7.

ARNOLD CLAVIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with