^

Pang Movies

Atasha, pinasasali sa beauty pageant!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Atasha, pinasasali sa beauty pageant!

Ang ganda-ganda ni Atasha Muhlach, ang dalagang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach. Pang-beauty queen at model ang datingan ng dalaga, kaya sa isa nitong post, puro “pang-Miss Universe” at “model” ang nabasa naming comments. Lalo’t sa suot na off-shoulder dress, kita ang shoulder at collarbone.

May tumawag naman sa kanyang “showbiz royalty” at kahilera niya rito si KC Concepcion. May nagpaalam naman kina Aga at Charlene kung puwedeng ligawan si Atasha. Hahaha!

May mga nag-encourage kay Atasha na mag-join sa Miss Universe Philippines o kaya’y sa ibang beauty pageant ng bansa, kaya lang, wala yata sa plano ni Atasha ang maging beauty queen.

Saka, nag-aaral ito at gustong makapagtapos ng college SA US.

Candy, mas malala ang sintomas sa pangalawang COVID!

Sa kanyang vlog, na-share ni Candy Pangilinan ang experience niya sa second time na nagkaroon siya ng COVID-19. Nabanggit ni Candy na mas intense ang symptoms na naramdaman niya kesa noong una siyang magka- COVID-19.

Sabi ni Candy, the first time na nagka- COVID siya ay last year, December 2021 at ang ikinatatakot ni Candy, baka mahawaan ang pamilya niya lalo na ang mom niya at ang anak na si Quentin Alvarado.

“Noong unang beses po akong magka-COVID, hindi po sila nahawa at all. Wala po silang symptoms. Pero ngayon hindi ko alam, and I really hope and pray na sana hindi sila nahawa,” panimula ni Candy.

“Ngayon masakit ‘yung ulo ko at may sipon po ako. Parang mas iba ‘yung nararamdaman ko ngayon at saka may ubo, may makati. Dasal ko lang na sana talaga hindi mahawa si Quentin at mama,” dagdag ni Candy.

Naka-schedule sina Candy at pamilya niya ng test, hindi lang natuloy dahil ‘yung gagawa ng testing sa kanila ay nagka- COVID din. Naka-isolate sa kanilang bahay si Candy ngayon at ang payo niya sa publiko ay mag-ingat at seryosohin kahit minor symptoms lang.

Pumayat sa lock-in!

Muling ipamamalas ni Ricky Davao ang husay niyang umarte sa pagganap sa role ni Lydon David sa mini-series ng GMA 7 na I Can See You: AlterNate at kahit ang former wife niyang si Jackie Lou Blanco, nabanggit sa mga anak nila ni Ricky na mahusay talaga ang kanilang ama.

“Mas matanda sa real age ko ang character ko rito at bago sa akin na umaarte ako na matandang tao. ‘Yung mga role ni Eddie Garcia at ng dad kong si Charlie Davao, ‘yun na ang mga role na ginagawa ko ngayon. It’s a homage to tito Eddie and my dad Charlie,” sabi ni Ricky.

Thirty days nag-lock in sa taping ang buong cast at isa sa magandang nangyari, pumayat si Ricky ng 10 lbs. Napasabay daw siya sa pagiging health buff ng mga kasama niya gaya nina Jackie, Beauty Gonzalez, at Dingdong Dantes.

ATASHA MUHLACH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user