Piolo at Bianca, nagpakilig sa titigan!

Ganda naman ng pictorial nila Piolo Pascual at Bianca Umali sa opening ng Belo Clinic sa Clark.

Nagkaroon tuloy ng idea na sana magkasama sa isang project ang dalawa dahil mukhang may chemistry ang combination nila.

Maganda nga dahil talaga naman kailangan ngayon mga bagong kumbinasyon, at very cool na pagsamahin sina Piolo at Bianca.

Iyon ang maganda kay Bianca, dahil sophisticated beauty, puwede siya kahit sa mga edad ni Piolo.

At iyon din maganda kay Piolo, young looking siya kaya puwede kahit sa mga younger star gaya ni Bianca.

Sana magkaroon nga ng serye na silang dalawa, sure ako bongga iyon.

Rhea Tan, mahal ang bagong endorser

Excited akong makita si Rhea Tan ng Beautederm ngayong araw. Siguro love niya ang endorser niya dahil imagine bumiyahe pa talaga siya ng QC mula Angeles na bihira niyang gawin para sa presscon.

Dahil nga siguro gusto rin niyang makita ang showbiz friends niya na matagal na niyang nami-miss kaya nagpasya siyang mag-attend ng presscon.

At bongga si Lorna Tolentino na binigyan ng birthday gift ni Rhea Tan na isang LV bag para sa birthday nito sa December 23, kaya happy si LT. 

See you Rhea.

Show comments