^

Pang Movies

Yen at Paolo, nagparamdam sa ‘floss’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Yen at Paolo, nagparamdam sa âflossâ

Kinonek ng netizens ang IG Stories post ni Yen Santos at Paolo Contis dahil may parehong “floss” sa caption. Unang nag-post sa IG Stories si Yen na pinakita ang white pearl teeth at may caption na “do you floss though?”

Sunod na nag-post sa IG Stories si Paolo ng larawan niya at ang caption ay “Nag suklay, pero di nag-floss.”

Paniwala at iginigiit ng netizens na may ibig sabihin ang post ng dalawa at itinago lang sa salitang “floss.” May nag-comment pa na sa IG Stories na lang nag-uusap sina Paolo at Yen na parang hindi totoo. Parehong may cellphone ang dalawa, puwede silang magtawagan at mag-usap hangga’t gusto nila na hindi natin pare-parehong alam.

Hindi kami magugulat kung mag-trending din ang “floss” nina Yen at Paolo. Naalala tuloy namin ang sinabi ni Paolo sa mediacon ng I Left My Heart in Sorsogon na sana, next time mag-trending siya, tungkol naman sa acting niya at hindi puro isyu sa kanyang lovelife.

Anyway, sa Monday, Nov. 15, na ang world premiere ng I Left My Heart in Sorsogon tampok sina Paolo, Richard Yap, at Heart Evangelista.

Robin at Kylie, nagkausap na

Nag-bon­ding ang mag-amang Robin at Kylie Padilla at ang simple at short caption ni Kylie sa photo nila ng ama na “Look who I got to hang out with today” ay ikinatuwa ng followers ni Kylie. Mula kasi nang magkaisyu sila ni Aljur Abrenica, ngayon lang sila nagkitang mag-ama at sigurado silang may mga payo si Robin sa anak.

Walang nilagay na location si Kylie kung saan sila nagkita ni Robin, nahulaan lang ng fans na sa studio ni Kathryn Bernardo nagkita ang mag-ama.

May pa-shade naman ang netizens kay Aljur Abrenica sa mga comment nilang si Robin ang totoong astig at hindi si Aljur.

Kinatuwaan din ang comment ni Ruru Madrid na “idol” na si Robin ang tinutukoy dahil hanggang ngayon, may shippers pa rin pala ang tambalan nina Kylie at Ruru na nabuo sa Encantadia. Si Aljur nga raw ang sumira sa KyRu love team nang magbuntis si Kylie sa gitna ng taping ng Encantadia.

Coco, nahiya kaySharon

Hindi lang si Coco Martin ang nag-welcome kay Sharon Cuneta sa Ang Probinsyano dahil present ang karamihan sa cast gaya nina Julia Montes, Rosanna Roces, John Prats, John Estrada, at Rowell Santiago. May mga humirit lang na bakit hindi man lang nagtabi sa mga litrato sina Sharon at Rowell na ngayon lang uli magkakasama.

Sa nakita naming mga larawan sa presscon ni Sharon, makikitang nahihiya si Coco kay Sharon, kahit big star din siya, nahiya pa rin siya kay Sharon. May larawan naman na parang si Sharon ang nahiya kay Coco, ito ‘yung salubungin siya ni Coco at bigyan ng bouquet of flowers.

Maine at Alden, muntik magkita sa Siargao

Muntik mag-abot sa Siargao sina Maine Mendoza at Alden Richards, kaya lang, nakabalik na yata ng Manila sina Maine at BF nitong si Arjo Atayde nang dumating naman sa isla si Alden. 

Magkikita pa rin naman sina Alden at Maine today, sa super sale ng isang shopping app dahil pareho silang endorsers, kaya present sila pati si Bea Alonzo.

PAOLO CONTIS

YEN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with