^

Pang Movies

BB, tinawag na sinungaling si Ogie

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Philippine Center for Investigative Journalism

Aliw na aliw kami sa sagutan sa social media nina BB Gandanghari at Ogie Diaz. Ito ang isang pagpapatunay how times changed dahil sa video or sa kani-kanilang vlogs na ngayon nagsasagutan ang mga artista at celebrities.

Anyway, nagsimula ang iringan ng dalawa nang sabihin ni BB sa kanyang Instagram video na walang kredibilidad si Ogie.

Sinagot naman ito ni Ogie sa kanyang vlog with Mama Loi at tinawanan lang niya ang mga pinagsasabi ni BB. Aniya ay hindi naman daw siya galit sa kapatid ni Robin Padilla at naaaliw pa nga raw siya rito.

Sanay na raw siya kay BB at mas magtataka raw siya kung puri-purihin siya nito.

Pero willing naman daw siyang makipag-ayos kay BB anytime dahil walang-wala naman daw siyang galit dito in the first place.

Sa kanyang latest video ay may bago na namang sagot si BB at sey pa niya sa caption, “You’ll not hear the END of it, Ogie Diaz… you liar you… Why Robin why? Kumpare mo talaga si Ogie Diaz? Please remember…, “Telll me who your friends are and I’ll tell you who you are… payong kapatid lang utol…”

Sa video ay binanggit ni BB ang interview ni Ogie kay Robin Padilla last July kung saan nga ay napag-usapan siya ng dalawa. Sa nasabing panayam ay nagpaliwanag si Binoe sa mga tampo ng kapatid sa kanya.

Tila hindi ito nagustuhan ni BB at ang term niya, ‘pinagtsismisan’ daw siya nina Ogie at Binoe.

Dapat daw ay sa kanya sinabi ni Robin ang mga sinabi nito kay Ogie tungkol sa kanya sa nasabing panayam.

“Ako ang kausapin mo, Robin. Whatever you think of me, sa akin mo sabihin. ‘Wag diyan (Ogie), walang kinalaman sa akin ‘yan. Ang dating kasi no’n, nagtsismisan kayo,” ani BB.

Sa sinabi ni Ogie na willing siyang makipag-ayos kay BB, sagot ng former actor, “naku, hindi ako makikipagbati dyan!”

Mensahe pa niya kay Robin, “mag-isip-isip ka naman sa mga ginagawa mong pakikipagkumpare!”

Anyway, matagal nang naninirahan nang solo si BB sa Amerika away from his family at mukhang wala nang balak bumalik sa Pinas.

Ate Vi, gustong mag-sitcom

Since hindi na nga tatakbo si Lipa City Representative Vilma Santos sa anumang posisyon sa 2022 elections, may posibilidad nga raw na ang showbiz naman ang pagtutuunan niya ng pansin pagkatapos ng kanyang termino.

Sinabi ito ng Star For All Seasons sa kanyang latest YouTube vlog. “Baka mabigyan ko na ng time ‘yung aking showbiz life. Kasi unfortunately, nu’ng naging public servant ako, ‘yun ang napunta sa 3rd priority.

“So, ngayon na medyo magkakaroon ako ng time… pero tuloy pa rin ang serbisyo, ha? At saka ‘yung tulong kung anuman ang magagawa ko in my own little way kasi public servant pa rin ako, eh,” sey ni ate Vi.

Aniya, kung magkakaroon ng chance or oras, baka raw gumawa siya ng pelikula or teleserye or sitcom.

“Or maybe direct a movie,” sey pa niya.

For sure, ngayon pa lang ay marami na ang mag-aabang sa comeback project ni Ate Vi lalung-lalo na nga ang kanyang Vilmanians since medyo matagal-tagal na nga siyang hindi napapanood umarte.

OGIE DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with