_pang-masa
^

Pang Movies

Rabiya, handa na sa Agimat…

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rabiya, handa na sa Agimatâ¦

Matapos ang kanyang first acting project sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ready na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, sa isang malaking proyekto sa GMA Network.

Ngayon ay naghahanda na si Rabiya para sa season two ng fantasy-action series na Agimat ng Agila at makakatambal niya si actor-politician Bong Revilla Jr. “Araw-araw akong nagdi-gym at nag-aaral ng boxing,” saad ni Rabiya sa interview sa kanya ng Chika Minute ng 24 Oras sa Zoom meeting ng cast at production staff ng serye. Naroon din si Sanya Lopez, na unang leading lady ni Bong, si Roi Vinzon at si director Rico Gutierrez. Sinu-sino pa kaya ang bubuo sa cast?

Very soon, Rabiya will be formally launched as a new Kapuso actress.

Jak, nag-sorry

Marami ang natutuwa para sa dating co-host ni Willie Revillame sa programang Wowowin, si Herlene Budol or si “Hipon Girl.” Two Saturdays ago napanood sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco ang life story niya at si Herlene mismo ang gumanap sa kanyang character.

Kasunod ng project na iyon ay kabilang na ngayon si Herlene sa cast ng GMA Afternoon Prime na Stories From the Heart: Never Say Goodbye kasama sina Jak Roberto, Klea Pineda at Lauren Young.

At doon na nagkakilala sina Jak at Herlene na matagal na pala niyang crush ang actor since 2017, na every year na nagbi-birthday siya ay nagpapadala siya ng message kay Jak na i-video greet siya. Nag-sorry si Jak kay Herlene: “Sorry, ngayon ko lang nabasa, since 2017 pa pala itong message mo!” At kalakip na ang video greet ni Jak. Nagpaalam naman si Herlene sa girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza.

Napapanood daily ang #SFTHNeverSayGoodbye daily, 3:20 p.m. sa GMA 7.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with