_pang-masa
^

Pang Movies

Sen. Bong, tumangging kumandidatong presidente!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang saya ni Sen. Bong Revilla Jr. nang mag-Facebook live ito nung nakaraang Biyernes ng gabi dahil kararating lang ng anak niyang si Inah del Rosario na nag-aaral ng adbogasiya at naninirahan sa Davao City.

Kasama ni Inah ang kanyang asawang si Vince at ang tatlo nilang anak, kaya ang saya raw nila sa bahay dahil kumpleto silang lahat.

Magtatagal dito sa Maynila sina Inah para sa kasal ng bunsong kapatid na babaeng si Gianna Revilla na nakatakda sa Nov. 11.

Doon sa FB live ni Sen. Bong ay muli siyang nagpahayag na tinanggihan niya ang alok ng LAKAS-CMD na maging standard bearer nila para tumakbong Pangulo ng bansa sa darating na elections 2022.

Nagpahayag ang mga taga-LAKAS CMD na meron ngang nag-file ng kanilang COC bilang pangulo pero inirereserba raw nila ito para kay Mayor Sara Duterte.

Pero tila buo na ang desisyon ni Inday Sara na hindi siya tatakbong pangulo, kaya ang kinukumbinsi raw nilang tumakbo sa naturang partido ay si Sen. Bong Revilla. Kaagad na tinanggihan ito ng actor/senator.

“Ayokong magulo ang buhay ko. Tahimik na ang buhay namin. Ang dami na naming pinagdaanan ng pamilya ko. Gusto na namin ang tahimik na buhay.

“Masaya na akong nakakapagbigay ng tulong, kahit paano,” pahayag ni Sen. Bong.

Wala pang pahayag ang kanilang partido kung sino ang susuportahan nila. Doon na lang daw siya magiging abala, lalo na’t tumatakbo rin sa Cavite sina Mayor Lani Mercado, Vice Gov. Jolo Revilla at Bryan Revilla.

“Naghihintay po ang partido namin sa desisyon ng nakakataas kung sino ang aming susuportahan, para sa bayan. Basta ang isipin  n’yo, ang iniisip po namin ang mas nakakabuti po para sa lahat,” sabi pa ni Sen. Bong.

Ipinagmamalaki ni Sen. Bong ang pagpayat niya na 11 pounds na ang nabawas sa kanya. Pinaghahandaan niya kasi ang pagbabalik-taping niya sa Agimat ng Agila.

Bago matapos ang buwang ito ay isasalang na raw sila sa taping, kasama ang iba pang artistang gaganap sa mga bagong karakter na ipapakilala sa fantasy-drama series na mapapanood sa GMA 7.

BONG REVILLA JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with