Nora at Robin, may tsansa pa ba?

Wow, Salve, ang dami talagang taga-showbiz ang pumasok ngayon sa pulitika. Nagbalik pulitika sina Nora Aunor at Robin Padilla. Parehong lumaban noon pero nabigo na manalo sa tinakbuhan nilang puwesto, pero ngayon, nag-try uli sa Senate si Robin Padilla, at sa Congress si Nora Aunor bilang partylist nominee.

Naku, hindi ko maisip kung paano na noong sikat na sikat sina Nora at Robin hindi sila nakalusot, hindi ba mas mahirap ngayon na hindi na sila gaanong kasikat gaya ng dati?

Or baka naman maiba ang takbo ng suwerte at ngayon sila bigyan ng pagkakataon, malay natin.

Mas mabuti nga siguro na ngayon sila umulit tumakbo, dahil iba ngayon ang nagaganap sa kampanya. Baka naman mas makita ngayon ang malaking magagawa nila para sa bayan na hindi nakita noon ng mga botante.

Sige lang, subukan lahat, kanya-kanyang suwerte lang iyan.

Jennylyn at Dennis, tatahakin ang bagong buhay

Kung totoo ‘yung nabalita at nabasa ko na namanhikan na parents ni Dennis Trillo kila Jennylyn Mercado, ang saya. Kasi nga hindi naman siguro gugustuhin ni Jennylyn na sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin sa tabi niya ang lalaking mahal niya para makasama sa exciting stage ng buhay niya bilang babae.

Jennylyn deserves the love and care ng tao na mahal niya na pinagkatiwalaan niya. Dapat talagang nasa tabi niya ito para suportahan siya at manindigan sa desisyong ginawa nila.

Show comments