Xian bibigyan muna ng ibang trabaho, Love.Die.Repeat. may malas na kadikit?!

Alam mo, Salve A., kahit nag-isyu ng official statement ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila na nasa magandang kondisyon na umano ang singer-actress  hindi naman nito sinabi o ipinahiwatig kung ano’ng ‘medical emergency’ ang nangyari sa kanyang alaga kaya na-pack-up ang lock-in taping ng Love. Die. Repeat na unang tambalan nila ni Xian Lim sa Kapuso network.

Sa obserbasyon ng marami, mukhang may dalang ‘malas’ ang titulo na Love. Die. Repeat dahil bago nangyari ang ‘medical emergency’ kay Jennylyn ay napalitan din ang isa sa mga bumubuo ng cast na si Kim Domingo dahil ito’y nag-positibo sa COVID-19 kaya siya’y pinalitan kay Myrtle Sarrosa. Although malapit na sanang matapos ang lock-in taping ng nasabing serye, si Jennylyn naman ang nagkasakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi kung ano ito.

Ayon sa balita, pinayuhan muna ng doctor si Jennylyn na magpahinga muna bago bumalik sa trabaho.

Habang naghihintay, bibigyan na lamang umano si Xian ng iba pang proyekto.

May nagsa-suggest na palitan na umano ang titulong Love. Die. Repeat

John Arcilla, nawindang sa natanggap na relos kasama ng Volpi Cup

Sobrang nasorpresa ang kauna-unahang Filipino actor to win the Coppi Volpi (Volpi Cup) bilang Best Actor ng ika-78th Venice Film Festival na si John Arcilla nang kanyang buksan ang box na naglalaman ng kanyang tropeo dahil may kasama itong red box na  may mamahaling Cartier watch for men na nagkakahalaga umano ng mahigit P600,000.

Doon pa lamang sa Volpi Cup ay sobra nang excited ang actor at nadagdagan nang makita niya na may kasama pa itong mamahaling watch na bonus prize sa kanyang panalo bilang Best Actor for the movie On the Job: The Missing 8 na dinirek ni Erik Matti.

Pagkatanggal sa box ay agad hinalikan ng actor ng kanyang Volpi Cup na hindi niya personal na natanggap dahil nasa gitna siya ng lock-in taping ng top-rating and long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring tumatayong co-director ng serye. Si John ang gumaganap sa papel ni Renato Hipolito, isa sa mga main villains ng serye.

Show comments